Prologue.

85 0 8
                                    

Dedicated to my bestfriend, para naman ma-feel niya ang presence ko dito sa Wattpad :D

BTW, enjoy guys! :))

---

Prologue

Naglalakad ako ngayon sa isang hallway, tahimik at tanging sinag lang ng araw ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Dire-diretso lang ako sa paglalakad, kung hindi ako nagkakamali eskwelahan ko ito, pero walang tao, walang ingay. Mabibingi n asana ako sa katahimikan pero nakarinig ako ng boses ng lalaki… sumisigaw.

Ano bang problema mo ha?! Ikaw na nga yung tinutulungan dyan eh. Hindi ka ba masaya na gusto ka na rin niya?!”

Hindi ko napigilan yung sarili ko na sumilip dun sa classroom. May isang lalaking nakatayo, siya yung sumisigaw kanina at halatang galit siya. Tapos may babaeng nakaupo sa teacher’s table, at may lalaking nakaupo sa isang desk, nakayuko… mukhang tulog.

“Pwede ba huwag kang sumigaw, baka magising siya. Gusto mo ba talagang maniwala ako sa’yo? Alam ko namang sinasabi mo lang yan dahil yan ang gusto kong marinig… pero alam ko naman na hindi yan totoo eh..”

Kalmado lang nagsasalita yung babae, pero halatang medyo naiinis siya.

Ewan ko sa’yo. Ang labo mo!”

Nagwalk-out yung lalaki, dumaan pa nga sa harap ko eh pero parang di yata ako nakita. Nagising yung isang lalaki kanina, yung mukha niya parang galit.

“Alam mo kung anong hirap sa’yo? Yung mga tsismis at sabi sabi pinaniniwalaan mo agad. Pero yung totoo, para sa iyo kasinungalingan.”

Nagwalk-out din yung lalaki, yung babae naman halatang gulat.

Paglingon ko, wala na ako dun sa hallway. Naglalakad ako sa isang garden na puro bulaklak. May swing sa gitna at maraming taong nakapaligid sa gitna nung babaing umiiyak.

Tahan na. Malakas kang babae. Malayo na ang narrating mo, ngayon ka pa ba susuko? Hwag kang mag-alala, andito lang kami.”

Well, that’s friendship. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero ngayon nasa harap naman ako ng isang bahay.

Ate, wag ka na umalis. Ate, please…”

Lahat sila umiiyak. Ang lungkot naman ng pamilyang ito.

“Ate, please…ate, wag mo kami iwan. Ate wag mo na akong iwan ulit… ate—“

“JC, gising na. JC…” 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Struggling PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon