Chapter 2 - HAPPY FOR HIM

6 1 0
                                    

"OK ka lang?" Tanong sakin ni Cheryl

Tumawa nalang ako

"HAHAHA ikaw? Ok ka lang? Kanina ka pa high blood at nakasimangot Jan eh haha" asar ko kahit deep in side hindi ko alam kung ano Ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko talaga anytime iiyak na ako. Haysss

"Syempre naman sinong Hindi magagalit sa mga ugali nun"

"Oo na pero in fairness huh? Diba tahimik ka lang at mahinhin? Di ko inexpect na magiging ganun ka kanina haha" pang aasar ko parin

"EHH kasi nga Diba. Pinagtatanggol lang kita. Maglalabasan na sila ouh!" Turo niya sa room nila Kevin

Iniwan ko muna siya sa tabi ng room at sumilip ako sa pinto ng exit nila.

Unang silip ko palang si Joshua na agad na kita ko. Nakakainis naman pati siya napatingin sa akin. Baka isipin nun na tinitingnan ko siya kahit napatingin lang ako.

Nakita ko nang papalabas na si Kevin. Kaya kinawayan ko at nag abang agad.

"Uyyy Kev!" Sabay hampas sa kanya

"Marj! Bakit nandito ka?" Sabay akbay sa akin. Pffyt tinginan naman yung iba HAHAHA. Natatawa talaga ako sa mga inaasal ni Kevin. Pabayaan ko muna HAHAHA bakla kasi yang si Kevin. Ako lang si Grace at Gelyn Ang nakaka alam. Tropa kasi kami tawag sa grupo namin MMKA ( Marjorie Mary grace Kevin at Angelyn ). Nag aact lalaki lang yan wag kayo paloloko. Tapos ako pa talaga laging target. HAHAHA Ewan ko dun sa baklang yun ayaw pa umamin. Halata naman kapag sumasayaw siya na bakla mas malambot pa Ang katawan kesa sa akin HAHAHA.

"Tanggalin mo nga yang kamay mo." Bulong ko sa kanya at napatingin ako Kay Joshua na nakatingin sa amin at lumabas na ng room nila.

"Oo na Akala mo ikaw lang Ang may ayaw? HAHAHA" tapos tinanggal na niya kamay niya

"Sasakay ka Kay gelyn ngayon?" Tanong ko

"Oo ehh sorry huh. Wala kang kasabay" tapos napatingin siya Kay cheryl. Lumapit kasi sa amin

"Ok lang kasabay ko si Cheryl" sabay ngiti

"Aray" pagrereklamo ko. Ba naman Panay Ang kurot sa pisngi ko

"Ang cute kasi ng pisngi mo pag ngumiti ka Marj HAHAHA -- ARAYY!" tawa pa siya kinurot ko rin pisngi niya HAHAHA sabay takbo

"Tara na Cheryl HAHAHA " habang hinihila si Cheryl papalayo dun " ipaALAM mo nalang ako kanila Grace at Gelyn !! Bye Kev ! Ingat " tapos kumaway na ako.

"Teka teka Marj hinihingal ako. Hoohh-" pagtigil ni Cheryl

"Sorry na. Tara bilis bili tayo ng gulaman sa taas" pagyayaya ko. Actually pababa Ang school namin at nasa likod ng elementary school kaya pag nakakalabas na sa campus taas Ang tawag.

Nakarating na kami sa taas pero pag minamalas nga naman. Nandun pa si Joshua sakay ng motor niya at papasakay na rin si Loen then si ate Doning ate ni Joshua . Napatingin pa sila sakin. Awkward naman pinansin pa ako ni ate Doning

"Hai Marj" tawag niya sakin bago sumakay

"Hello ate Doning " Sabay ngiti. Hindi to pilit. Masaya lang talaga ako para sa kanya. Masaya ako kasi masaya siya sa ginagawa niya. Kaya there is no need to be pretend. Hindi naman ako plastik ehh.

"Sa susunod nalang ulit Marj ! May itatanong Sana ako tungkol sa mga gagawing article sa closing ng school year ehh kaso pauwi na kami ehh" sabay kaway niya

"Bye ate ! Ingat kayo" kaway pabalik at ngiti na hindi fake.

Ganun pala dapat. Dapat tanggapin nalang Ang itinadhana. Dapat maging masaya nalang ako kung nakikita ko rin namang masaya siya. Dapat kaya mong magsacrifice pag mahal mo.

Wag maging selfish. Accept the reality. Maybe may mas preferred pa Saking tao na mamahalin ko at mamahalin ako. Dapat sa panahon ngayon mas intindihin ko nalang Ang future ko. Ang family ko at friends na always nandito sakin. Be always happy no matter what happen.

Basta I'm HAPPY FOR HIM

Maling AkalaWhere stories live. Discover now