"Huyyy! Kanina ka pa Jan nakatulala ahh."
*blink *blink
Haruuuujuskooo grabe naman makagulat tong si Cheryl. Aatakihin ata ako nito sa puso.
"Ito ouh! Palamig" sabay abot niya sakin. "Ako nalang bumili mag isa habang nagmumuni muni ka Jan. Tapos pag balik ko ganun parin? "
"Ahh wala inaantok lang ata ako" pagdadahilan ko
"Edi Sana bumagsak ka na Jan sa kalsada. Kilala kita pag inaantok ka pikit ka na agad. Siguro affected ka sa nakita mo?" Pag tatanong niya habang naglalakad kami.
"Hindi kaya HAHAHA. Tara bilisan na nating maglakad maghahapon na ouh." Pagmamadali ko.
"Grabe Ang bilis mo naman maglakad. 1km lang naman lalakarin natin ehh sanay na tayo." Sabay tawa.
"Loka loka hahaha. Hirap pag poor tiis lang sa lakad. Buti pa kayo hindi"
"Anong hindi? Nakoo wag mo akong ganyanin pareha lang tayong poor na nag aaral sa public school"
"Wala naman kasing private school dito sa probinsiya HAHAHA asa ka pa. Ehh sm nga wala rin ehh"
"Ikaw kasi galing manila kaya hindi ka pa masydong sanay"
"Huy ano ba ! Anong hindi sanay? 3 years na ako dito." Sabay hampas sa kanya.
"Aray naman. HAHAHA siguro miss mo na dun sa manila?"
"Hhmm? Wala naman akong mamimiss dun. Wala kasi kaming permanent na bahay kaya palipat lipat. Kaya siguro mas mamimiss ko kayo dito pag umalis kami" sabay ngiti "ARAYY NAMAN" sabay haplos sa pisngi ko
"Tama nga si kevin ! Ang cute ng pisngi Mo Marj pag ngumiti. Sarappp kurutin" tapos nanggigigil pa siya HAHAHA
"Subukan mo lang hindi ko kayo papansinin". Pag babanta ko
"Oo na HAHAHA. Kaya sobrang kasinungalingan talaga yung mga sinasabi nung mga chismosa kanina." Naiinis na sabi niya
" pabayaan mo na. Ito naman Ang babata pa nun ehh pinapatulan mo. " habang ngumingisi ako at iniisip yung mga salitang binitawan ng mga grade 7 na babae kanina. Tutal tama naman sila ehh. Hindi talaga ako maganda.
Sa panahon ngayon dapat hindi muna isipin Ang mga ganyang bagay. Haysss basta busog sapat na.
Nakarating na kami sa elementary school ng barangay. Di ko namalayan na malapit na kami. Kung ano ano kasi napag usapan namin ni Cheryl.
"Marj daan muna tayo dun sa tindahan. Bili tayo" pag aaya niya. Siguro gutom na ito HAHAHA Di kasi to sanay mag lakad. Rich kid ehh
"Tara mukhang gutom ka na HAHAHA. Bili tayo stick-o libre ko" sabik na pag aya rin sa kanya.
"Paborito mo talaga yan no? Pero dahil libre sige go ako" at dumiretso na kami sa loob
Pagpasok namin sa loob ng gate ng bahay ng tindahan ay nadatnan namin si Papa Euseb. Siya Ang tatay ni Janice kapitbahay nila Cheryl.
"Hello po" sabay nagmano kami ni Che
"Ouh naglakad lang kayo?" Tanong niya
"Opo hehehe palagi naman po akong naglalakad ehh. Si Cheryl lang po Ang naglakad ngayon kasi wala daw Ang motor nila." Magalang na sagot ko
"Kay sipag talaga ng batang to kaya magsumikap. kung ganyan lang Sana yung mga anak ko ehh. Paano ba naman puro Arte." At Napa facepalm pa si papa Seb
"Bibili lang po ako. Babalik po ako agad. Che samahan mo muna si papa Seb " utas ko
"Sige libre mo naman eh hahah" tawa niya at dumiretso na sa tindahan
"Magandang hapon po" pagbati ko
"Ano po iyon?" Tanong ng tindera
"Pabili po ng stick-o 30 pesos. Uhm 15-15 po yung laman bale dalawa pong plastik" sabay abot sa 50 pesos na buo .
Binilang na niya Ang bawat piraso habang ako ay sumilip sa pinaroroonan nila che at papa Seb. Nanliit Ang Mata ko ng makitang namumula Ang gaga.
"Hhmm? Teka si Kent ba yun ?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ito na po yung stick-o at yung sukli" Dali Dali Kong kinuha yung stick-o at buong bente na sukli
"Salamat po" ngiti ko at ngumiti rin pabalik yung tindero? Teka si Crimson yun ah? Dito pala siya nakatira
Naglakad na ako pabalik sa pwesto nila Che na nakangisi at nginunguso si Kent. Pinanlisikan naman niya ako ng Mata. Hahaha kaya pala namumula ehh nandito yung crush na crush niyang heart rob sa kabilang section. Napansin ko ring papaalis ni papa Seb
"Mga ija sabay na kayo sakin" pag aaya nito
"Si Cheryl nalang po. May dadaanan pa po kasi ako. Tsaka malapit na rin yung amin" habang tinutulak ko ng marihin si che at binigay Ang isang plastik ng stick-o
" tara na ija at nang makapagpahinga ka na sa inyo . ikaw Jane? Hindi ka ba talaga sasabay? " tanong ni papa Seb ng nakasakay na sa motor nito si Cheryl
"Bibili pa po kasi ako ng ulam namin ehh kaya OK lang po"
"Ouh sige mauna na kami. Ingat ka sa daan" at pinaandar na nito Ang sasakyan
"Sige po ingat rin po sa biyahe" at kumaway pa ako
Napabuntong hininga nalang ako sa mga kaganapan ngayong araw. Kinuha ko yung cellphone ko at tiningnan Ang oras.
"5:18pm na pala"
Ilalagay ko na Sana ulit sa bulsa Ang cell phone ko ng biglang nagvibrate ito. Tiningnan ko kung anong meron at nakita kong may tumatawag.
"Number lang?" Tanong ko sa sarili. Dahil nacurious ako kung sino Ang may gamit ng number at kung ano Ang pakay nito at napatawag ay sinagot ko.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya. "Sino po sila?" Walang sumasagot maliban nalang sa parang mabigat na paghingang naririnig ko. Ewan ko kung ano yun o baka naman yung tunog ng kabilang linya lang or hangin.
Biglang naputol Ang tawag kaya kinabahan ako.
"Pft unknown caller" bulong ko sa sarili at binulsa ulit Ang cell phone.