Natapos din ang pamamasyal namin at sa wakas makakapagpahinga na din ako.
"Salamat sa inyo, sana sa uulitin" pasasalamat ko sa kanila sa pag anyaya nila sa akin na magpasyal kasi bihira lang akong makakapasyal dahil sa busy sa bahay at study din, buti nga di pa masyadong matanda si lola mga around 50 pa yung age niya pero di ko na sya pinapatrabaho pa.
"Sge guys , uwi na ako" Sabi ko sabay kuha ng bag ko at umuwi na
"Okey, sge James kita nlang tayo sa simbahan bukas" Sabi ni Ivan na papauwi na din
Umuwi na din sina Stephen, Nicole at di na sila sumabay sa amin dahil may pupuntahan pa daw sila.
Kaya habang ako ay naglalakad, bigla akong tinawag ni Kurt na parang papauwi na din
"James hintay" Tawag sa kin ni kurt at lumingon naman ako nito
Lumapit sya sa akin
At sabing"Sabay na tayong umuwi" Sabi niya sa akin na may dalang ngiti
Sabi ko na nga ba
"O sge, tara na" Sabi ko at sabay na kaming umalis
Di na kami sumakay kasi maaga pa naman kaya naglakad nalang kami at nagkwentuhan.
"Buti, pinayagan ka ni lola na mamasyal ngayon"
Sabi nya"Pwedi naman, kasi nanjan ka, at dapat raw di magpapagabi " Sabi ko
"Ahhh, so ngayon, maaga pa naman James eh edi mamasyal muna tayo total malapit lang naman bahay natin tingnan mo relo ko oh, 2:38pm pa." Labis na pagpupumilit niya
"Eh, san ba tayo pupunta?
Sabi ko naman na halos inikot na natin kanina tong plaza?"
Pahabol ko naman"Basta, sumunod ka na lang sa akin ako bahala sayo" Sabi nya at hinawakan nya kamay ko sabay hila papunta sa pupuntahan namin.
In just a few minutes
"Oh, nandito na tayo sa favorite Place ko. Ang garden ni aling susan" Sabi nya sa akin
Habang ako ay nagulat at namangha sa nakita
"Wow!! Ang ganda na mga bulaklak" Sabi ko na grabe ang pagkamangha sa nakita.
"Kurt? Dito ka kumukuha ng bulaklak na ibinibigay mo kay lola?" Gulat kong anong
"Oo, at tsaka dito rin ako nag papalipas ng oras at tumatambay"
Sagot nya sa akin"Ahh, ang ganda ganda dito ha!! Nakakainis ka ngayon lang ako nakapunta dito, bat di mo sinabi sa akin na may ganito palang lugar dito." Sabi ko sa kanya
At tumawa lang ito sa akin.
Maya- maya ay dumating na ang nagmamay ari ng garden si aling susan
"Oh, kurt nandyan ka pla kanina ka pa ba dito?"
Tanong ni Aling Susan kay kurt"Ahh di po, kakarating lang namin, sya nga po pala, bestfriend ko si James, James si aling susan"
Sabi nya sabay turo sa akin"Hi po, aling susan magandang hapon po." Sabi ko
"Magandang hapon din hijo" Sabi ni Aling Susan
"Ahh, kukunin ko na po tong 1 rosas magkano po ba?" Sabi ni kurt na bibili ng rosas ngunit binigay nalang ni Aling Susan ang 1 rosas sa kanya.
"Kurt, sge kunin mo na yan"
Sabi ni Aling Susan na syang ikinatuwa ni kurt"Ahh, maraming salamat po Aling Susan, sge ho, tutuloy na kami."
Sabi ni kurt at nagpaalam na kami
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || Book 1 [Completed]
Storie d'amoreBook 1 [Completed] Book 2 [Completed] Magkakaibigan na nasira dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. At ang pagmamahal ni James Sarmiento sa kababata nitong kaibigan na hahadlangan ng mga mapanirang akusasyon.