Jesus heard that they had thrown him out, and when he found him, he said, "Do you believe in the Son of Man?"
"Who is he, sir?" the man asked. "Tell me so that I may believe in him."
Jesus said, "You have now seen him; in fact, he is the one speaking with you."
Then the man said, "Lord, I believe," and he worshiped him.
John 9:35-38
* ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ * ~ *
Habang nasa daan kami, andaming nakatingin sa amin, pano, mukha kaming ikakasal,o magde-date, matraffic pa nga naman
Nakarating na kami sa hotel, sobrang dami ng bisita.
Makikita mo yung mga naggagandahang mamahalin gowns, suits, at yung mga nagkikinangan na mga alahas na suot suot nila.
Pagpasok na pagpasok ko sa loob, naaamoy mo yung bango ng alam mong masarap na kape. Yung mga pag kang nakahanda't nakahilera sa lamesa.
Umupo nalang ako sa isa sa mga lamesa
Nasaan na si Samara?
~Ruth's POV~
Ngayon na yung debut ko, matagal ko nang hinihintay na makaabot sa araw na to, muntikan na akong di makaabot sa araw na to, naaksidente kasi kami ni mama, tapos eto, wala na akong makita
Nasa loob ako ng isang kwarto, feeling ko dressing room ito, naghihintay para makalabas at magpakita sa mga bisita, suot ko na yung gown na kakulay ng paborito ni mama, yun kasi yung rinequest ko kay papa, ang kulay ng gown ko ay kakulay ng paboritong kulay ni mama, at ang hikaw ko naman ay hikaw ni mama, in memory of her
Naririnig ko sa labas yung kantang Wide Awake ni Katy Perry, meron nga akong favorite line diyan eh
"God knows that I tried seeing the bright side, but I'm not blind anymore"
Habang nakaupo ako, may naramdaman akong humawak sa kamay ko, may sinabi siya saakin
"Mapalad ka dahil kahit sa naranasan mong yon, hindi mo parin kinalimutan ang Diyos." Hindi ko makakalimutan ang mga salitang sinabi niya.
Bigla kong naramdaman yung mga labi niya sa noo ko, sa pagkurap ko...
...
~Genesis's POV~
Kanina ko pa hinahanap si Samara pero di ko parin makita, pano, sobrang dami ng mga bisita, anlaki pa ng hotel
Sinubukan kong tawagan di ko naman masagot.
Sa paghahanap ko, bigla akong napalingon sa malaking hagdanan, nakita ko na yung pinsan kong pababa na ng hagdan habang inaalalayan ng tatay niya, nakasuot siya ng gown na kulay lavender tsaka naka maskara na kulay silver
Habang nababa sila, si Ruth naman, lumilingon kung saan-saan na parang nakikita niya yung nililingon niya
...
Pagkatapos ng Cotillion de Honor tsaka mag-dinner, nagsimula na yung 18 roses, pero di ko parin makita si Samara
Isa ako dun sa 18 roses, pang 16 ako, nung ako na yung susunod, lumapit ako kay Ruth atsaka inabot yung pink rose, tapos isinayaw ko na siya
Habang sinasayaw ko siya, bigla akong nagulat sa sinabi niya...
"Ang gwapo mo ngayon ah."
"Paano mo naman nasabi, eh hindi mo naman ako nakikita"
Bigla siyang tumingin sakin, wait, nakikita ba niya ako?
Ngumiti siya sabay bumulong saakin
"Nagpakita ulit siya sakin kanina"
"Di nga?"
"Oo nga!"
Bigla akong napayakap sa kanya, masayang masaya ako na nakakakita na siya ulit.
Pagkahiwalay namin ng pagkayakap ay bumalik na ako sa gilid at sumunod naman yung best friend niyang si Elijah na may hawak na green rose
Nung nakita niya yung rosas, bigla siyang yumakap sa kanya, bigla naman siyang inikot nung kaibigan niya habang magkayakap sila
Umalis na ako dun para hanapin si Samara
Pagpunta ko sa may pool, doon ko na siya nakita.
BINABASA MO ANG
Last Chance
Spiritual"See, I am sending an angel ahead of you to guard you along the way and to bring you to the place I have prepared." Exodus 23:20 Dahil sa isang trahedya, nawala ang pananampalataya niya sa Diyos. Pero may isang babaeng dumating sa buhay niya, dahil...