(A/N: Nabasa ko lang po ito sa Facebook, gusto ko lang po ishare)
Isang pastor ang nagbibyahe noong nakaraang linggo, may napansin siyang isang matandang lalaki, at ito ay kanyang pinasakay. Habang sila ay nagpatuloy, sinabi ng matanda; anak, alam mo ba kung ano nangyari sa langit kagabi? Ang pastor ay nagulat at nabigla at agad na huminto at nagtanong; Manong natutulog po ba kayo? Paano kayo nakakuha ng mga impormasyon sa langit? Ang matanda ay nagsabi; Kagabi sa langit ang Diyos ay sobra ang galit sa mga tao at inutusan niya ang mga Anghel na hipan na ang trumpeta. Dinampot ng mga anghel ang trumpeta at kung kelan ito ay hihipan na, Si Hesus ay pakumbabang dumulog at nagsumamo na may pag tangis. Ang mga dugo na lumabas sa kanyang mga kamay at katawan ay napaka sariwa. Sinabi niya sa DIYOS na ang kanyang kamatayan ay hindi dapat mawalang kabuluhan. Hindi na matatagalan na tignan ng Diyos ang mga sakit na dinaranas ng kanyang mga anak, at ang labis na kasamaan ng mga tao. Kayat sinabi niya "BINIBIGYAN KO SILA NG HULING PAGKAKATAON." Si HESUS ay bumaling sa mga anghel at sinabing kumilos at bumaba at mangalat upang ipaalam sa lahat na "NALALAPIT NA ANG WAKAS, AT SI HESUS AY MALAPIT NG BUMALIK." Ang pastor (pinagpapawisan at umiiyak) ay nagtanong; Manong pano nyo po nalaman ito? Ang MATANDA ay tumugon; Isa ako sa maraming anghel na sinugo ng DIYOS sa Mundo. Isinasamo ko na gawin ninyo ang lahat para maipabatid ang Mensaheng ito sa lahat. Walang dapat sayanging oras, pakiusap.! Pagkarakay biglang naglaho ang matanda. Mga kapatid ang pangyayareng ito ay totoo, nalalapit na ang pagbabalik ni KRISTO. Pakiusap, magligtas tayo ng kaluluwa ngayon.
GoD be the Glory..!!! <3
MAGHANDA KA SA BUHAY MO NGAYON NA ANG PAG PATAWAD SA SARILI MO SA PANGINOON JESUS
BINABASA MO ANG
Last Chance
Spiritual"See, I am sending an angel ahead of you to guard you along the way and to bring you to the place I have prepared." Exodus 23:20 Dahil sa isang trahedya, nawala ang pananampalataya niya sa Diyos. Pero may isang babaeng dumating sa buhay niya, dahil...