[17.2]

21 4 2
                                    

seventeen | 12:05 pm

          Nang makalabas si Rayne sa cr ay agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang silid kung saan naghihintay ang kanyang knight in shining ilong.

          "Rayne!" Someone shouted that made her stop from her tracks.

          "Pinagkakaguluhan na yung boyfriend mo doon!" She continued.

          Mabilis siyang naglakad na para bang tumatakbo na. Napaisip siya, boyfriend? Popular, player, athletic, good looking. That's the definition of Thunder for her. Pero naisip niyang never in her life na mangyayari yun. Si Thunder, magiging boyfriend ko? Imposible. Sabi niya sa kaniyang sarili.

          Nagtama ang mga mata nila ng lalaking nasa isip niya -- kanina lang--nang makarating siya malapit sa kaniyang silid.

          Napangiti si Thunder sa babaeng nahagip ng kaniyang mga mata.

          "Ayie! Nandiyan na pala ang ulan ng buhay mo!" Kumento ng isa niyang kaklase.

          "Hey," Ang tanging salita na lumabas sa bibig ng binata bago niya ito hinawakan sa kamay at agad na tumakbo papalayo sa mga naghihiyawan niyang kaklase.

          Hinayaan niyang hilahin siya ni Thunder, tulad noong hinayaan niyang maging parte na ng kaniyang buhay ang binata.

          Napapamura na lang siya sa sarili tuwing sumusulyap ang binata, "Shit, Rayne. What's this feeling?"

          "Huh? Baliw ka na?" Tanong naman ng binata nang marinig niya ang mga bulong ni Rayne sa sarili. Little did he know that she is indeed going insane because of the eye contacts that seems like forever, the holding of hands that makes the butterflies in her stomach go wild. It's her first time feeling those.

          Nang makapasok sila sa canteen ay patakbo silang pumunta sa counter, "Ako nang bahala, Rayne. Maghanap ka na ng upuan," Tumango naman ang dalaga at napaatras nang maramdaman niyang hindi pa pala binibitawan ng binata ang kaniyang kanang kamay.

          Nagkatinginan ang dalagang may mapupulang pisngi at ang lalaking may ngisi sa labi.

          Agad namang tumalikod si Rayne habang hinahawakan ang magkabilang pisngi.

          Matapos ang ilang minutong paghihintay ay papalapit na si Thunder na may dalang tray. Umupo ang binata sa tapat na upuan ng dalaga at binigay ang kaniyang pagkain.

          "Magkano to?"

          "Wag mo na alamin. Kain lang nang kain Rayne," Sumubo si Thunder.

          "Paano ko to mauubos? Tatlong klase ng ulam ang binili mo," May pag aalala sa kanyang boses, marahil pakiramdam niya sayang ang pera ni Thunder dahil hindi naman siya malakas kumain.

          "Hindi ko alam kung anong gusto mo eh, kaya tatlo na lang binili ko," Nagkibit balikat ito.

          "Kumusta nga pala si Pauline?" Pagpapatuloy nito.

          "O-okay lang," Nauutal na sagot ni Rayne habang nakatingin sa kanyang pinggan.

          "Bakit nga pala si Pauline?" Itinaas niya ang tingin kay Thunder na nakatingin na sa kanya.

          "Uh, may ketchup ka sa.." Itinuro ni Thunder ang gilid ng kanyang labi. Sumunod naman ang kamay ni Rayne.

          "Hindi diyan," Tumayo siya kaunti at pinunasan ang gilid ng labi ni Rayne.

          Namula naman ang dalaga, "Pwede mo namang ituro na lang! Kaya ko na ang sarili ko no!" Sabi nito ng may kunot sa kanyang noo.

          "Paano, ang tanga tanga, di tumitingin sa tinuturo ko," Nakangising sabi ni Thunder.

          "Ikaw nga eh, ang tanga tanga, minamahal yung babaeng di naman nakikita yung worth mo," Sumulyap si Rayne sa kanya at sumubo.

          "Hindi mo pa sinasagot yung tanong k-"

          "Oo, tama ka nga. Haha!" Hindi pinansin ang sinabi ni Rayne. Ngumiti si Thunder sa dalaga ngunit hindi naman ito umabot sa kanyang mga mata.

          Magsasalita pa sana si Rayne ngunit napansin niyang hindi na nakatingin si Thunder at sunod sunod ang mga subo nito ng pagkain.

          Pagkatapos nila kumain ay hinatid siya ni Thunder sa kanyang classroom nang walang umiimik.

          "Salamat," Ngumiti si Rayne sa binata.

          "Salamat rin," Ngumisi si Thunder at kinindatan ang dalaga at tuluyan nang umalis.

          Naghiwalay sila nang may ngiti sa labi at mabibilis na tibok ng puso sa hindi malamang dahilan.

°°°

a/n: I TOTALLY SUCK AT THIS IM SO SORRY

Thunder | jjkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon