Nag dadrive akong ng kotse ko papuntang Mall may bibili lang ng school supplies. Astig diba? Ngayon pa ako bibili na tomorrow na ang pasukan haha, la lang trip ko lang. Pagbaba ko, lumakad ako papuntang entrance at may nakasalubong na mga lalaki. Gwapo naman pero di ko type hahaha
"Miss do you want my number? Seems like you want it"
Nakakahiya naman haha bwesit
"Nahihiya po ako sa inyo. Kapal niyo din no?"
"Sungit naman"
"Pake mo"
Dali dali akong umalis sa mokong na yun baka masuntok ko pa. Bukas na pasok, mag kikita kita na naman ng mga barkada. Bumili ako ng school supplies ko at bumuli nalang din ng bagong bag, sapatos, uh ano pa ba? Ah! Black crop top kasi ang ganda haha. Kala ko ba tomboy ako? Hahaha hindi naman. Nag kakagusto lang sa mga babae, pero babae parin ako no! Sa ganda kong to?! Sasayangin ko sa pagka tomboy?! No way!
Habang naglalakad ako, bigla akong nagutom. Kaya napag isipan kong kumain sa Jobi (Jollibee)
Papasok sa Jobi may maraming taong naka line, sa liit kong to matatabunan talaga ako hay. 5'5 lang kaya ako huhuhaha oo na aaminin ko na, maliit ako sa paningin ko pero sabi nila tamang tama lang daw sa edad ko. So agree nalang kayo haha
Dahil ginugutom na ako, tinap ko yung likod ng lalaki na nauna sa akin. Ang tangkad naman neto, ang bango ah.
"Hm?"
Hala natulala ako sa kagwapohan ng taong to promise! Ang tangkad, matangos ang ilong, naka polo sya, perfect tanned body, ang gwapo nya pag nag smile, di ko namalayang tinatanong nya pla ako
"Miss? Are you okay?"
Oo ene kebeee.. Okey leng eke hihihi
"Uh.. Uhm... Yeah I'm fine ha ha haaaa" awkward kong sagot
"You sure?"
"Yep, but can.. Can i be first? Cause I'm super hungry"
Nakakahiya man ginawa ko parin. Gutom ako eh! Anong gusto nila? Kakainin ko silang lahat dito?! Ano ako zombie? Pakapalan na ng mukha to hahaha
"Yeah sure"
Ngumiti sya ng mala anghel na ngiti
"Thanks"
Tumalikod ako, pero di ako mapa kali dahil ang gwapo nya talaga! Fil'am ata to?
Hinarap ko sya at tinanong
"Uhm.. Can I atleast know your name? "
"Oh.. Haha, Bernard"
nag shake hands kami at sinabi ko narin ang pangalan ko
"Hermoine"
(A/N: diba? Iniba ko lang ang spelling hihihi)
"Nice meeting you"
Nag smile ako at di ko inakalang nag kwentuhan na pala kami. Di ko namalayang tinatawag na pala ako
"Miss?"
"Oh?"
Medyo na taas yung boses ko
"Uh, kanina pa po kita tinatawag,"
"Eh ano naman?"
"O-order po ba kayo oh hindi?"
Sarcastic nyang sabi. Aba?! Sinusungitan pa ako?
"Miss, kaya nga ako luminya eh. Kung may problema ka, pwede naman akong umalis dito. Sinusungitan mo ang mga costumers, kung ayaw mong mangyari yun, wag na wag kang mag sungit sungitan dito, do I make myself clear?"
Sumandal ako sa cashier desk at itinuon ang mata sa kanya. Napansin kong maraming naka pansin sa ginawa ko dahil na bulongan sila, hindi ko naman pinansin
"Oh?"
Napayuko sya at sinabi ko na ang kakainin ko. Napansin kong wala na si Bernard, hays ang gwapo pa naman nun :(. Kumain na ako, at umalis na dahil nakaka high-blood yung babaeng yun.
Umuwi na ako. At nakasalubong si Papa
"Pa? San punta?"
"Work anak. Emergency eh"
"Ah okay. Bye mwa :*" i kissed his cheeks
"Nag luto na si manang ng lunch mo punta ka nalang sa kusina"
"Yes pa, medyo busog po ako dahil kumain naman po ako sa mall"
Pumasok na ako sa loob at hinanap si manang.
"Manang?"
"Hm?"
"Mamaya nalang po ako kakain, busog po ako eh"
"Sige sige"
Siya si manang mayie. Siya ang lola-lolahan ko. Siya rin kasi ang lola-lolahan ni papa since mga 10 pa raw sya at ganoon din sakin.
Pumunta ako sa living room at nakita ang Hot na Hot kong kuya (naka topless kasi hh). Yeah, Hearthrob siya at model and I don't give a damn
"What's up, Hemmo?"
Hemmo, yan ang tawag nya sakin. Si Kuya Tan
Bati niya sakin. I just smiled.
"By the way, Hemmo may pakilala ako sayo... Girlfriend ko."
Tumingin ako sa kanya.
"Just make sure na magugustuhan ko siya"
"Talaga. Just be here at 8 tommorrow, sabay na tayo ng Dinner, wala naman si daddy e."
"Hmmm, okay."
Nanood kami ng TV at nang gumabi na natulog na ako. Malamang haha