Alam niyo super stressed ako! Ewan ko kung bakit, hindi naman ako gaanong pinapagalaw nila. Dahil ang gagawin ko lang ay sumakay, baba sa sasakyan, sakay ulit, kain, tulog, yun lang pero pagod na pagod ako palagi.
Busy ang lahat sa mga preparations para sa kasal, e next two months na.
"Babe, okay ka lang?"
"Oo okay lang ako"
Nakangiting sagot ko kay Ford, pauwi lang kami sa bahay. At oo may bahay kami! Pagkatapos ng pag propose niya, agad siya bumili ng bahay na tama lang para samin. Mga ilang weeks narin ang naka lipas
"Parang tumataba ka ata, lakas mo naman kumain"
"Grabe neto, stressed?"
"Stressed? Don't worry makakapaghinga ka when we get home"
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Aww thanks babe :)
Nandito na kami sa bahay, wala kaming katulong. Hindi pakukuhanin ng katulong si Ford, trip ko lang. Yung tipong gusto kong kami lang muna sa bahay?
Pagpasok ko agad akong umupo sa sofa.
Gutom ako, pagtingin ko sa kusina nag luluto na si Ford. Pero kahit gutom ako at ang sarap kumain, na babadtrip ako dahil hindi ko nalalasahan ang pagkain :( nawawalan tuloy ako ng gana.
Tinawag na ako ni Ford para kumain, umupo ako katabi niya at nagsimulang kumain. Actually, nasusuka ako. Paborito ko pa naman ang ulam namin :(
Napansin ni Ford ang inakto ko bigla naman siyang nag salita.
"Baby, are you sick? You okay?"
Bigla nalang akong napatakbo sa CR at sumuka.
"Babe, you okay?"
Patuloy parin akong sumuka, Ford in the other hand rubbed my back softly para gumaan ang pakiramdam ko.
Then the realization hit me. Buntis kaya ako? OMG
Bigla akong lumingon kay Ford at ngumiti siya na parang alam niya. Oo sigaw siya ng sigaw ng "I'm gonna be a father!" Paulit ulit niya akong sinsabihan ng "i love you" at hinahalik halikan ako sa noo, pisngi, ilong, labi. Ang saya niya, ako naman tawa ng tawa sa ginagawa niya.
"Check up tomorrow okay?"
Sabi niya sakin then hinalikan ako sa noo. I'm super happy! Yieeee I'm gonna be a Mommy!
Excited ako!
***
"Mrs. Ranger and Mr. Ranger"Nakangiting tawag sa akin, i mean samin, ng Doctor. Kinakabahan ako, tae pinapawisan ako
Anong Ranger? Di pa kami kasal Doc fyi hihihi.
"Uhh di pa kami kasal Doc hehe"
Tumawa si Ford tsaka kinuha ang kamay ko.
"Dun din naman punta natin"
Ngiting ngiti niyang sabi. Oo nga naman hihihi. Ngumiti nalang ako. Huminga ako ng malalim, at humigpit ang hawak ni Ford sa kamay ko. Shit, kinakabahan ako. Teka, bakit ba akong kinakabahan?
"Congratulations, Mr. Ranger. Your wife is 2 weeks pregnant"
Tumingin ako kay Ford, at ngiting ngiti siya. Tumalon siya at napa yakap sakin. Ako naman ay kumakalma dahil muntikan na akong mawalan ng hininga dahil ang saya ko.
Hinalikan niya ang noo ko at sa lips. We just got home from the hospital at hindi parin maalis sa labi ko ang mga ngiti.
"Babe, we're having dinner at my Parent's house let's tell them tonight."