11

0 0 0
                                    

Humiga ako sa sofa at pinikit ang mata ko. Hindi naman ako matutulog, magiisip lang. Narinig kong bumaba si Ford pero hindi binukas ang mga mata ko.

"Babe?"

Narinig kong papalapit ang mga hakbang niya, at alam kong lalapitan niya ako.

Naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. Bukas na. Bukas na ang anniversary namin, excited ako. Obvious naman diba?

Ngumiti ako at parang nagulat siya nang binukas ko ang mata ko.

"Gising ka pala"

Napa kamot siya sa batok niya at umupo sa sahig.

"Oo naman, nagiisip lang"

"Tulog na tayo"

Tumayo ako at kinuha yung kamay niya. Pumunta kami sa itaas, sa kwarto niya at humiga na ako. Sumunod naman si Ford, ramdam ko ang init ng katawan niya habang naka higa ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang kabog ng puso niya.

"Babe,"

Tinaas ko ang ulo ko at tumingin sa kanya

"Oh"

"Anong gawin natin bukas?"

"Ewan ko ba"

Binalik ko ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit.

"Goodnight love, I love you"

"Goodnight din, I love you too"

Sabi ko ng nakapikit ang mga mata ko, pero binukas ko at hinalikan muna siya sa labi. Hinawakan niya ang bewang ko at inilapit pa ako sa kanya. Bumitaw ako at ngumiti. Siya naman na pout. Parang bata haha cutee

"You just can't leave me hanging babe"

Sabi niya na pumatong sa itaas ko at hinalikan ulit ako, ngumiti siya at kumawala dahil ang tagal din kaming nag kiss.

Humiga ulit ako sa chest niya at nakaramdam ng pagod. Pangalawa na sana to, buti nalang napigilan ni Ford ang sarili niya, shet.

Natulog na ako at niyakap ng mahigpit si Ford na parang teddy bear.

**
Nagising ako sa mga halik ni Ford sa cheeks ko sabag sabi ng 'good morning babe, happy anniversary'

Pauli ulit niyang sabi hanggang sa gumising ako at nag good morning narin sa kanya. Pumunta muna ako ng banyo at siya naman ay pumunta sa ibaba dahil sumabay na siya sa breakfast ni Caleb.

Bumaba narin ako after a few minutes. Nakita kong kumakain si Caleb at Ford ng cereal.

"Good morning tita!"

"Morning din Caleb!"

Sabi ko sa kanya at kinurot ang pisngi niya. Tumingin naman ako kay Ford at ngumiti. Nakita kong papalabas si Nanny sa kusina, dala dala ang ulam.

Umupo naman ako at nagsimulang kumain.

"Babe, may lakad kasi ako ngayon"

"Ngayon pa talaga? Di ba pwedeng bukas nalang yan babe?"

Pangsusungit kong sabi

"Sorry, kailangan daw kasi ako sa office, e."

"Sabado naman ngayon diba?"

"Promise, uuwi ako mamayang gabi. Dinner tayo okay? I'll pick you up at your house"

"Okay"

Tipid kong sabi. He sighed at lumapit sakin, hinalikan niya yung noo ko at nagsalita.

Beside youWhere stories live. Discover now