CHAPTER 2

1.1K 13 6
                                    

CHAPTER 2

TIN’s POV

May nakita akong lalaki kagabi na parang may hinahanap, pero hindi ko nalang siya pinansin at natulog na lang ako. Mahimbing na mahimbing ang tulog ko ng may maramdaman akong bumuhat sa akin. Parang gusto kong makita iyong tumulong sa akin. Lalaki siya at medyo pamilyar ang mukha pero sa di kalaunan pinikit ko na ang mga mata ko sa sobrang pagod.

Ang sarap ng tulog ko parang hindi ako natulog sa damo ha! Unti-unti kong minumulat ang aking mga mata. Laking gulat ko na lang ng makita ko kung nasaan ako. Sa isang kwarto na hindi naman pamilyar sa akin. Nakahiga sa malambot na kama at may nakapulupot na kumot sa akin.

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! nasaan ako!” sumigaw ako kasi feeling ko kinidnap ako.

“Nasaan ako! Bakit nandito ako? Hindi naman ako mayaman para kidnappin niyo ako” sumisigaw pa rin ako ng biglang may bumukas ang pinto.

“Ano ba! Umagang umaga ang ingay-ingay mo! Ano bang problema mo!” sigaw nung lalaki.

“Ikaw?”, sabi ko naman. Kasi siya iyong lalaki kahapon na sobrang antipatiko!

“Oh! Bakit ako?” , sagot niya.

“Anong ginagawa mo dito?”, sabi ko.

“Malamang! Bahay ko ito.”, sagot niya sa tinanong ko.

“Ba-ba-bahay?”, nauutal ako kasi hindi ko akalaing bahay niya ito.

“Pwede ba! Huwag ka ng sumigaw! Ang ingay ingay mo! Natutulog pa ako!”, sinara niya iyong pintuan at halatang iritado ang mukha niya.

Ako naman, nakaupo na lang sa kama kasi nakakahiya iyong ginawa ko. Mag-sorry kaya ako, pero baka mas mairita pa siya. Waaa! Maloloka na talaga ako.

Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip. Isip.

Alam ko na! Ipagluluto ko na lang siya ng almusal para hindi na siya magalit.

Nagpunta na ako sa may kitchen niya at naghanap ng pwedeng iluto. Sopas ang lulutuin ko. Gagawin ko ito kahit hindi ako masyadong marunong magluto. Hinanda ko na lahat ng ingredients pero ng hihiwain ko na iyong carrots ay medyo nawala ako sa sarili ko at nahiwa ko ang kamay ko.

“aray!” Agad ko na lang hinugasan iyong kamay ko para mag-stop iyong pagabas nung dugo. Medyo mahapdi. Nataranta din ako dahil naamoy kong nasusunog na iyong hotdog, waaaaaa! nahawakan kaldero at napaso ako.

Ang malas naman ng araw ko na ito. >.< nasigawan, nasugatan, napaso at ano pa ang susunod. Sa wakas! Natapos na din akong magluto. Hinanap ko muna iyong first aid kit niya para gamutin iyong mga sugat ko. At after kong gamutin ang sarili ko hinanda ko na yung breakfast ni Mr. Sungit.

“Anong ginagawa mo sa kusina ko?”, okay halatang bad mood talaga siya.

“Ah, kasi naghanda ako ng breakfast mo” sabi ko naman.

“At sinong may sabing ipaghanda mo ako ng breakfast ko. At sinong may sabing pakialaman mo ang mga gamit ko sa kusina”, waaaaa! kakatakot naman siya. T___T naiiyak na ako.

“Ah eh! Ano kasi. Sorry.”, wala naman akong masabi. Tama siya. T__T

“Pinatuloy na nga kita dito sa bahay ko tapos makiki-alam ka pa!”, awww. sorry naman daw. nararamdaman kong may gumigilid ng luha sa mga mata ko.

“Kasi parang pasasalamat ko na din ito kasi tinulungan mo ako”, sinabi ko naman.

“Are you stupid?! Wala naman akong sinabi na kailangan  mong gawin ito para magthank-you. Simpleng thank you okay na iyon. Pero ang maki-alam hindi maganda!” awwww! okay! that’s enough.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon