CHAPTER 21

1K 10 7
                                    

CHAPTER 21

SLATER’s POV

Nung umalis si Deniesse, sabi ko sa sarili ko na pagkakataon ko naman bigyang pansin si Tin na asawa ko rin naman. Kahit. hmmmmm. ganun! hahaha! sorry di ko ma-explain eh. Confused pa rin ang lolo niyo eh.

Di ko pa rin kasi matuklasan kung ano ba talaga yung tunay kong nararamdaman eh.

Hep Hep! (Hooray HAHAHA) Huwag niyo akong madaliin ha ang hirap kasi ng sitwasyon ko. Hindi ko alam ang gagawin ko eh. Give me some time ha. =) Someday we’ll know. HAHAHA!

Papunta na ako sa coffee shop para sunduin si Tin. :) Hatid-sundo kasi ang ginagawa ko sa kanya. Alam niyo na baka kasi may mangyaring masama sa kanya. Yun ang ayaw kong mangyari asawa ko pa naman yan noh.

Pagkatapos naming puntahan yung isang branch ng  coffee shop  ay nagpunta na kami sa KFC para kumain ng dinner.

Hindi ko alam, pero naiinis talaga ako sa Jerico na yun. Nung una si Deniesse? Then isusunod niya si Tin? Hindi naman ako papayag na ganun yun.

Huwag na huwag niya lang talagang mahawak-hawakan si Tin kundi lagot talaga siya sa akin. Baka sa ospital na bagsak nun kung makita ko uli yung eksenang nadatnan ko kanina.

Bwiset! Bwiset! Bwiset!

Pauwi na kami, ang tahimik sa kotse. Gusto kong tanungin si Tin kung ano ba talagang meron sa kanila ni Jerico. Para kasing may something sa kanila? Hindi ko alam pero iyon talaga ang nararamdaman ko. May gusto ba si Tin kay Jerico and vice versa? Ano ba!

“Tin?”, sabi ko

“Bakit?”, tanong naman niya

“Kasi, ano. May gusto lang akong itanong.”

“Ano ba yun?”

“May something ba sa inyo ni Jerico?”

Aba!  Tumawa ba naman ng pagkalakas-lakas! Parang wala ng bukas?

“Hahaha! Something? Hahaha! Wala noh! Hmmm, magkaibigan lang kami. Mabait siyang boss tinuturing niyang kaibigan ang mga trabahador niya. He’s so so so down to Earth. Super bait gaya nga ng nasabi ko sa iyo noon. Close kaming lahat sa kanya. Bakit mo naitanong?”

“Wala naman. Curious lang”

Nung sinabi niyang magkaibigan lang talaga sila eh syempre napangiti ako. ganito oh ^____^ at  nabunutan ako ng tinik doon.

Teka teka! Aber. Anong tinik iyon?

Di naman siguro ako nagseselos noh? Curious lang talaga ako.

Oo, curious lang talaga ako kung ano bang meron sa kanila syempre hindi naman palagi na nakikita ko kung ano ang ginagawa nitong si Tin.

Yup! As in CURIOUS LANG AKO! WALA NG IBA! HINDI PO AKO NAGSESELOS!

“Oh! Bakit ka ngingiti ngiti diyan? Nagseselos ka sa kanya noh?”, tukso niya sa akin. Ako? Nagseselos daw?

“Ano?! Hindi ah! Sinong may sabing nagseselos ako doon sa Jerico na iyon! Never! HAHA!”, depensa ko

“Sus! Hindi pa kasi aminin na nagseselos siya. Ui nagseselos siya”, at kiniliti pa niya ako.

“Oi! Tumigil ka nga diyan nagmamaneho ako dito oh.”, tinigil ko muna yung sasakyan baka kung mapaano kami sa ginagawa niyang pagkiliti sa akin.  “Hindi nga ako nagseselos. Wala naman akong dapat ikaselos doon kasi….”,

Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong katuloy ng sasabihin ko eh..

Kasi???? Ano???

Anong sasabihin ko……….

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon