CHAPTER 7

1K 9 3
                                    

CHAPTER 7

Tin’s POV

5:20 am

Maaga akong nagising, aalis na lang ako dito para naman hindi na masydong mag-init lalo yung ulo niya. Pilit ko nalang iniintindi kung bakit nagkaganun siya kagabi, dahil nga nasabi na sa akin nila Wendy ang dahilan. Maghahanap ako ng malilipatan pati na trabaho.

Nag-empake na ako. Kinuha ko lahat ng gamit ko maliban dun sa binigay ni Slater. Iniwan ko na lang sa kama at nag-lagay ako ng note.

“Slater, salamat sa lahat at sa malasakit. :) See you when I see you.” – Tin

Dahan-dahan akong lumabas ng bahay niya. Nagpunta muna ako sa park kung saan lagi naglalaro sina JayJay. Umupo lang ako sa may bench pampalipas oras. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. At pagkatingin ko sa relo ko ay 8:15 na.

Kakain na muna sana ako ng breakfast kaso nag-decide na ako na maghanap ng trabaho. Kahit ano basta disente. Una, nagpunta ako sa mga restaurant para mag-apply bilang waitress pero sabi nila hindi na nila kailangan ng mga trabahador. Ayan hanap pa rin ako ng hanap hanggang sa makaramdam na ako ng gutom. Tanghali na at feeling ko nga nanghihina na ako di pa kasi ako kumakain eh. HAHA. Pero carry lang kayak o pa ito. Nang biglang may makabangga ako.

“Ay, sorry. Sorry. Sorry talaga. Pasensya na po. Sorry talaga”, walang humpay na sorry baka masigawan din ako nito eh.

“Hindi miss ayos lang”, sabi nung lalaki.

“Sorry talaga, hindi ko talaga sinasadya promise”, paulit-ulit kong sinasabi sensya makulit talaga ayaw kong masabon :P

“okay lang talaga miss. Huwag ka ng mag-sorry.”, habang sinasabi niya yan feeling ko hinag-hina na talaga ako. Hindi ko na kaya dahil sa gutom na din ito.

“Miss! Miss! Okay ka lang? Okay ka lang?”, yan na lang ang mga salitang narinig ko.

/\/\/\/\/\---------/\/\/\/\--/\/\/\---/\/\/\/\----/\/\/\/\/\/\---/\/\/\/\----______________________________

Chos!

Nagising ako, hindi ko rin alam kung saan ito. Déjà vu lang. Baka si Slater nagdala uli sa akin dito?

“Oh miss, gising ka na pala”,sabi nung lalaki. Siya ata yung nabunggo ko kanina.

“Hehe. Nasaan ako?”, tanong ko naman

“Ah nandito ka sa condo ko kasi naman bigla kang nahimatay eh”,sabi naman niya.

“Sorry, sobrang gutom lang kasi ako hindi pa ako kumakain since nung umaga eh.”,paliwanag ko.

“Ganun ba? Halika kain tayo. Treat ko”, sabi naman niya.

“Hindi na,okay lang ako”, pagtanggi ko naman.

“I insist! Tara”, hinigit niya ako papalabas ng condo niya at sumakay sa kotse niya.

“Salamat pala……………..”, sabi ko at tila hinihintay kong sabihin niya ang pangalan niya.

“Jerico”, sabi naman niya at naghandshake kami.

“Tin,salamat talaga”, sabi ko ulit.

“No problem”, sabay paandar sa kotse niya.

Nandito na kami ngayon sa restaurant,nagkwekwentuhan habang kumakain.

“Ang malas malas ko kaya. Nung unang dating ko kaya dito nanakaw mga gamit ko”, sabi ko sa kanya.

“Talaga?” – Jerico

“Oo, grabe sobrang malas ko at kung anu-ano na lang ang nangyayari sa akin”, kwento ko uli sa kanya.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon