CHAPTER 28

277 6 1
                                    

CHAPTER 28

 Play niyo yung song doon ha. mwahaha ------------------------>

TIN’s POV

Nakatulalang pumasok ako sa coffeeshop. At halatang mugto ang mata ko. Eh paano iyak ka ba naman ng iyak kagabi.

“Wow! May monster!” tukso ni Paco pero hindi ko nalang pinansin. “Hoy bruha ka Tin! Di pa ako pansinin. Ano bang nangyari sa iyo?” pag-iinterogate pa rin sa akin ni Paco. Kami pa lang kasing dalawa ang nandito. Maaga akong umalis ng bahay para hindi makita ni Slater and itsura ko at pagtawanan pa ako nun. Masyado pa namang mapang-asar ang loko.

“Eh paano ba naman kasi nakakaiyak yung drama na napanood ko kagabi. 4 hrs nga lang tulog ko ayaw ko kasing iwan yung pinapanood ko. Alam mo na baka mabitin ako ng bongga!” pagdadahilan ko sa kanya. Ayaw ko man magsinungaling pero kailangan.

“Sus! Nawiwili ka na sa panonood ha. Oh siya ayusin mo na sarili mo mukhang kang ZOMBIE!” pang-aasar ni Paco.

“Lokaret ka!” sabi ko at sinabunutan ko siya. Siya naman tawa ng tawa kahit sinasabunutan ko na.

“Oi tama na, masakit yan noh.”

“Ang adik mo naman kasi sabihan ba akong Zombie! May maganda bang zombie?”

“Wow! Hangin ah. Nililipad na ako oh.”

“Baliw ka talaga! haha! Nga pala, wala pa si Kim?”

“Mamaya darating na yun, kaya kung ako sa iyo mag-ayos ka na baka asarin ka din nung Zombie! Haha!” sabi nito at lumabas na.

“Baliw ka talaga Paco! Abnormal ka.Haha”

Inayos ko na din sarili ko at hinintay si Kim. Lumipas ang ilang oras ay dumating na din siya. At pagkadating na pagkadating niya ay sinabi ko sa kanya ang lahat. Naiiyak na naman ako tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi.

“Tin! Sorry hindi ko alam kung ano pa ang maipapayo ko sa iyo. Sorry dahil hindi ko alam ang gagawin ko para mawala yang sakit na nararamdaman mo.” napaiyak na tuloy ako sa sinabi niya. “Ui Tin, huwag ka ng umiyak. Nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak eh.” naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Kim. Napangiti na lang ako bigla.

“Kim, ayos lang kahit hindi mo alam kung ano ang sasabihin at ang gagawin mo. Okay lang sa akin na nandyan ka para damayan ako, i-comfort ako. Masaya na ako dun,masaya ako sa presence mo.” pinunasan ko na ang luha ko.

“Hopefully Tin! Kung ano man ang mangyari at mga desisyon mo sa mga bagay-bagay. Nandito lang ako para sa iyo. Huwag kang mag-alinlangan lumapit sa akin. Dahil may kaibigan kang isang tulad ko na bongga ang kagandahan.”, langya kala ko seryoso ang sasabihin yun pala kalokohan pa rin.

“Lokaret kang talaga.” at yun nagtawanan na kami.

“Hoy mga baliw na bruha! Halina nga kayo dito at mamaya sitahin kayo ni atembang Deniesse.”, saway ni Paco at napatingin kami ni Kim sa isa’t-isa at lalong natawa sa sinabi niya.

-------------------------------------------------

“Goodmorning Tin!”, bati sa akin ni Slater. Naging civil na ang pakikitungo namin sa isa’t-isa after ng incident na iyon. Ganun lang para hindi awkward, mapag-halata pang gusto ko siya. Manhid pa naman itong lalaking ito.

Catch Me! I'm Fallin' For You (SLATIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon