ML notes: bonjour manquer secretnaeji! dedic po sayo to! (kaway kaway!) ♥_♥
---------------------
KTJ Chapter 1
January’s POV
20:28
“amethyst can you please stop that? Nahihilo na ako sa ginagawa mo eh!” sabi ni march habang nakaupo sa pang isahang sofa.
“god I can’t help it! Lalo na at nasa panganib sila at wala tayong magawa!” hindi mapakaling sagot sa kanya ni February. paika-ika pa syang naglakad ng pabalik balik.
Andito kami ngayon sa bahay. lahat kami nag iisip ng paraan kung pano mahanap at mailigtas ang mga magulang namin. kaninang hapun lang ang saya saya namin. tapos bigla nalang naging ganito.
*FLASHBACK*
18:12
Papunta na kami ngayon sa délicieux diner kung saan kami mag di-diner. Nasa isang van kaming magkakapatid at nasa iisang kotse naman sina mama na nakasunod lang samin.
“manong dahan dahan lang naman, excited ka po?” pagbibiro ni December sa driver namin.
“ah sige po, pasensya na po ma’am medyo nasanay lang kasi ako.” Driver naming
“nasanay po saan?" Tanong naman ni july
“ah- -hehe! car racer po ako dati ma'am” nahihiyang napakamot si manong sa batok niya.
“really manong? Wow ang cool nyo pala!” nanlalaki ang mga matang sabi December
“ah sa-salamat po.”
“attention sissy’s may tula ako.” Pagbibida naman ni November
“ano na naman yan novem?" Tanong ko sa kanya. Mahilig kasi yan gumawa ng mga tagalog na tula.
“tss pakinggan nyo nalang” sagot niya at may inilabas na maliit na piraso ng papel mula sa bag nya. “ay teka lang kailangan din itong marinig nila mama, tatawagan ko lang sila.”
Mula sa bintana ng kotse ay sumilip ako sa labas upang tignan ang kotse nila mama. “mama may tula ako pakinggan nyo ni papa ha?” sabi ni novem habang ipit-ipit sa kaliwang tenga nya ang cellphone.
“oh sige parinig nga baby..mukhang maganda yan ah?” sagot nila papa mula sa kabilang linya. Rinig namin sila dahil naka loudspeaker ang cellphone ni novem.
“oo naman pa! eherm! Eherm!” November cleared her throat.
“TULA NG MGA MANLILIGAW... BOW” at sinimulan na nyang mag basa
“O mahal kong nilalangit... nilalangaw Pati puwit.. Kung sa ganda mo ako'y sasamba.. Sa ut0t mo ako'y tutumBa.. Kung sa langit ikaw ay tala.. dito sa lupa ikaw ay tekla.. buhok mong paalon-alon.. Kuto mo patalon talon.. mata mong maririkit.. muta mo dikit dikit.. ilong mong matangos.. sipon mo umaagos.. ngipin mong pantay-pantay.. hininga mo amoy patay.. paano na aking buhay? Kung sayo pala ako Mamamatay..”
O_______O
nag bow pa sya pagkatapos nyang magbasa ng tulang-
“pfffffffttt BWAHAHAHAHAHAHAHA!!!!”
Halos sumakit ang tyan ko kakatawa, pati sina mama tawa rin ng tawa sa kabilang linya. Haha! Pati si manong driver nagpupunas na ng luha sa kakatawa. "baby ang cute ng tula mo i like it" sabi ni mama "talaga po? wow thanks po mama!" masayang sabi ni novem
BINABASA MO ANG
Killer Thieves Jewels [on-hold]
Teen FictionKilalanin sina January jade a.k.a GARNET February leir a.k.a AMETHYST March meir a.k.a AQUA short for AQUAMARINE April jane a.k.a DIAMOND May anne a.k.a EMERALD June serien a.k.a PEARL July kaith a.k.a RUBY August love a.k.a PERIDOT Se...