Chapter 7: A Double Edge Sword

138 2 0
                                    

After 108394893 days nakapag update din!!! XD

Advance Merry Christmas to all! Sana magustuhan nyo yung chapter na to. It's not really long but I promise to make the chapters longer IF I CAN. Hoho.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 7: A Double Edge Sword

"Uy Pinn! Kanina pa ko dito ang taga--" napatigil ako sa mga sasabihin ko kay Pinn.

"inn.."

 "Ser? Okay lang ba kayo?" sabi ni kuya Yong sakin.

Mga 2 minutes ang nakalipas sa oras ko sa utak pero nakatulala pa rin ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Do I know this girl?

"Uhm... Mack? Okay ka lang?" sabi ng babaeng nasa harap ko.

Teka nga lang. Parang medyo binibiro ata ako ng nakikita ko ha? Bakit may nagsasalitang babae sa harap ko na kaboses ng best friend ko pero yung itsura nya mukhang galing sa kalangitan? Medyo nag hahaluccinate na ata ako sa sobrang dami ng nangyari sakin the last few days. Sabi ko na nga ba may dark minions si Miss Drag Queen na natira sa utak ko.

"E-excuse me miss, nakita mo ba yung best friend ko? By the way bakit kilala mo ko?"

"Huh? Pinagsasabi mo. Ikaw ha, uminom ka ba ng gamot mo?"

"H-ha?" Ang sabi ko sa kanya.

I was trying to figure out who she was, because this cannot be my bestfriend at all. They're totally not the same in any way except for the voice! Tinignan ko ang mga features nya. Pinsan? Ate ni Pinn? Parang nakita ko na naman silang lahat may nalagpasan ba ko? Young auntie nya na wala pang asawa at kasing edad lang namin? As far as I know kilala ko na halos lahat ng nasa angkan nila.

So who is this lady?

I looked into her eyes the through her body. Syempre no malice ito. Kala nyo naman sakin no. Matangos ang ilong, maputi, singkit, matangakad, fair skin, flat che-- okay na.

As far as I know best friend ko lang ang ganito ang features lalo na yung flatasaboard. Kidding. I was processing this thoughts and there's only one probability that came from my mind.

Oh S***. This is MY bestfriend.

Nasabi ko bang matalino ko? Well, sometimes naisip ko na rin na through wisdom there is idiocy katulad ko na lang na napakagandang example ngayon.

"A. Ah... Ah! Pinn sabi ko. Best! Joke lang kaw talaga. haha. Sorry medyo wala ako sa sarili......ha-ha."

"Bakit? Anong nangyari ba sayo?"

"W-wala wala. Soo... let's go?"

"Okay." 

This is not happening. Alam mo yung nung nakita ko yung bestfriend ko na lumabas ng room parang naisip ko kung may pinagbago ba talaga ko. She is really... I can't explain it with words pero for the past week na hindi kami nagkita parang mas malaki pa yung pinagbago nya sakin. Wala naman akong paki kung may pinagbago yung bestfriend ko pero parang ang unfair lang. Ako yung nagttry hard na magbago pero mas mukhang sya ang malaki ang pinagbago.

Ilang araw ba talaga ko nawala?

Hinatid ko sya sa right front seat. Medyo basa ang kamay sa kaba. Ewan ko ba pero parang di ko kilala tong babaeng pinagbubuksan ko ng pinto ng kotse ko. Muntik pa kong madulas pag punta ko sa driver's seat. Hay, halatang kabado...

Be Attracted to a Nerd?! (DROPPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon