chapter one

149 4 1
                                    

Pau’s Pov

 “kriiiiiinnnngggggg”patay!!! Time na..!!!! huhuhu.. L Late na naman ako.(college na pero may bell padin..tsk,tsk,tsk)

Lakad.

Takbo.

Lakad.

Takbo.

Lakad. 

Takbo.

Takbo.

         Hay sa wakas na karating din..wheeewwww..!!! Salamat naman at wala pa prof. namin. Kung nagkataon may punishment na naman ako. Ay anu ba yan? Daldal ako ng daldal dito hindi pa pala ako nakapagpakilala sa inyo. ^_^    

         Ako pala si Paulline Marie Sebastian. Kilala bilang “Pau”. Isang 3rd year college student sa kilalang school dito sa lugar namin. Bs Biology pala ang kinukuha kong course. Hehe.. gusto ko kasing maging doctor eh.

      “Pau”!!!!

      “Ay baboy ka!”walang hiya tong kaibigan ko. Bigla bigla nalang sisigaw. Nahulog tuloy mga libro mula sa desk ko dahil nasagi ng kamay ko sa sobrang gulat.

        “oy Jett? Ano kaba naman? Ginulat mo ko dun ah? Bakit ba?”tanong ko naman sa kanya habang pinupulot ko mga books ko.

        “hoy babae ka! Anong baboy? Ako baboy? Hindi kaya ako baboy! Mataba lang ako..!!!”sigawan pa talaga ako ha? Siya pa may ganang sumigaw, eh ako kaya yung ginulat niya? At ano daw? Hindi siya baboy, pero mataba siya? Anong pinagkaiba nun?hahahaha.... Sira ulo talaga tong kaibigan ko.

        “sorry na..hehehe..Hindi ka naman baboy eh. Nagulat lang ako kaya ko nasabi yun. Peace t.ayo”^_^Y

         Pero sa totoo lang hindi naman siya ganoon kataba. Medyo lang. Pero hindi yung mukhang balyena na ha..whahahaha...may pagka chubby lang siya. Cute nga eh..hhe.

         Siya pala bestfriend ko. Si Jettalene Villa. Halos magkapatid na kami niyan. Sabay kasi kaming lumaki. Parehong school din ang pinapasukan namin at pati narin ngayong college na kami, pareho paring course.

         “bat ka ba kasi nanggugulat?”tanong ko.

        “kasi naman po bruha, kanina ka pa tulala diyan. Kanina pa kaya kita tinatawag. Mabuti nalang wala pa yung prof natin. Kung nagkataon lagot kana naman. Ano bang iniisip mo? “ tawagin ba naman ako bruha? Hay..

         “ah wala naman. Iniisip ko lang yung mga activities na kailangan nating gawin. ^_^”saad ko naman sa kanya. President kasi ako sa department namin kaya i’m sure na ang dami ko na namang gagawin ngayong pasukan. Goodluck nalang sakin.

         “yun lang pala eh. Kung titignan ka kasi kanina para kang bumubuhat ng sanlibutan.” Sabi sakin ni jett habang papaupo na sa upuan niya na katabi lang din naman ng sakin.

         “yun ba talaga itsura ko kanina?”ako

        “ay hindi, hindi.. Nagbibiro lang siguro ako kaya ko nasabi yun. Walang ya., kita mong seryoso yung tao oh.”aba naman pinilosopo pa ko. Hmmmp.!

        “eh malay ko ba. Nagtatanong lang naman ako.”

          Hay kaibigan ko ba talaga to? Kung sagutin naman ako-,.. hay wala na nga.. Dumating na kasi prof naming eh. Umpisa na naman ng klase. Makikinig na nga lang ako. Mahirap ng mapag initan nga isang masungit na prof. Punishment, remember?Ayoko kaya nun...hmp.!

------------------

a/n:

hehehe.. yan lang po nakayanan ko ngayon eh. sana po magustuhan niyo. (kung sino man yung nagbabasa)

remember po baguhan palang po ako kaya di po ako ganun ka galing.

thank you po. !!! ^_^

I MET MR. YABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon