chapter three

84 1 0
                                    

A/N:

pau ito na ud ko...hahahaha..

pacnxia ang ikli lang. hindi kasi ako makapagconcentrate kasi ang ingay ng mga nakapaligid sakin kanina.

pagtyagaan mo nalang. ^_^

-----------------------------------------------------

NIK’S Pov----->>(si nik yan. ^_^)

           Leche  yung babaeng yun ha. Nakakainis siya! P*ta! Paano na tong damit ko? Putik naman oh! Buti na lang may extra akong damit sa locker ko. Makapunta na nga dun.

           Bwusit talaga. Kung makasigaw parang ako pa ang may kasalanan ah. Siya kaya yung tatanga-tangang bumangga sakin. Siya pa talaga ang  may ganang magalit,  eh ako yung natapunan ng mga pagkain niya. Hindi ba niya ako kilala? At tsaka, babae ba yun? Grabe naman sa dami yung mga kinuha niyang food. Parang nag aararo sa palayan kung makalamon.tsk.

          Habang nagbibihis ako ngayon, magpapakilala ako sa inyo. Ako pala si Nik Buenavista. Isang 3rd year college student at kumukuha ng kursong marketing. Paghahanda na rin yun para sa darating na panahon na paghawak ko sa family business namin. Dalawa lang kasi kaming magkakapatid at babae pa siya. Kaya bilang nakakatanda, ako yung inaasahan ni papa na hahawak sa aming kompanya.

           Hindi naman sa nagmamayabang ako pero gwapo, talented, matalino, athletic, presidente sa department namin, dakilang heartthrob lang naman dito sa campus ^_^ at anak ng isa sa mga may ari sa eskwelahang ito. Oo tama kayo sa pagkakadinig. Isa sa mga may ari. Ang school kasi na ito ay pag aari nina papa at ng mga kaibigan niya noong college sila. After they graduated, they’ve decided to put up this school para daw kahit tumatanda na sila ay may koneksyon parin sila sa isat-isa. Syempre nakisama sina mama. Pati sa tinitirhan iisang village lang din kami. Bali lima silang magkakabarkada. Si papa, tito Jan, tito Nel, tito Karl,at tito Dan. Hindi ko nga alam kung pinlano nila kung iilan dapat anak nila eh. Kasi lahat sila may tig iisang anak lang. At magkaka edad pa. Buwan lang yata ang pagitan eh. Sina papa lang ata at mama yung umiba ng daan. Kasi nga dalawa kami. Nakakatawa diba? Hahaha... Kaya nga tinuturing naming prinsesa ang kapatid kong si Aya eh. Nag iisa kasing babae. Kaya siguro naging isip bata kung minsan.  Pinanalilibutan kasi naming mga lalaki. Kung baga bini-baby namin. ..hhe ^_^

            Malalamit kami sa isat-isa. Pati nga sa course eh, pare-pareho. Magkakasama rin kami sa varsity. Weird diba? Pero masaya kasi para bang ang dami mong kapatid. Yun kasi ang turingan namin sa isat-isa eh. Magkakapatid. Nagtutulungan, nagdadamayan. Problema ng isa, problema ng lahat.

            “oh pare? Anong nagyari sayo? Bat ka nagbibihis ng pampraktis natin? Diba mamaya pa yun?”si Chrisrian yan. Anak ni tito Jan.

             “may isa kasing bwusit na babae na bumangga sakin kanina. Ayan, natapunan ako ng mga pagkaing dala-dala niya. Sinigawan pa ako ha. Tanga kasi eh. Stupid.”

             “whoaw pare. Bago yan ah? Yung babae, sinigawan ka? Hahahaha,...nakapagtataka..”usually kasi pagkakita ng babae sakin, natatameme na. Para bang pipi na nakatingin lang sakin.

              “wag kanang magtaka. Siguro hindi babae yun kaya ganun umasta.”

              “siguro nga pare. Hindi kasi umipek charm mo eh...hahahaha.. masaya to! ^_______^”anong nagyari dito. Grabe kung makangiti ah.

              “ano yan nginingiti mo?”sira ulo to. Anong meron?

              “wala. Tara na nga. Balik na tayo sa room. Hinanap kasi kita dahil nag ring na ang bell wala ka pa rin. Dalian natin. Madadamay pa ako sayo eh. Tsk.^_^” ang baliw na to? Tumalikod na pero ngumiti pa ng nakakaloko. Ano na naman nasa isip nito?

Pau’s Pov

         Hay salamat naman last period na. Pero wala yata akong naabsorb ngayon ah? Ano ba yung mga sinasabi ng prof namin? Magseself- study na nga lang ako mamaya sa bahay. Haits naman oh? Bat ko ba naiisip ang kumag nayon? Hay naman oh? Kanina pa to ah. Paulline tumigil ka! Tumigil ka! Tama na! Tama na!

          “ms. Sebastian!”hala si maam. Patay na ko.

          “hala ka best. Goodluck sayo.”gaga talaga tong si Jettalene. Tinakot pa ko?

         “y-yes m-maam?”hala na. Nanginginig ba ako? Ay hindi,hindi. Ay anu bayan?baliw na ko, baliw na.

          “kanina pa kita tinatawag Ms. Sebastian. Ano ba ang nangyayari sayo? You’ll gonna assist the Varsity team for one week as your punishment. May laban sila next week kaya kailangan nila ng assistant. And you’ll gonna start after our class. Okay class? Goodbye. See you next meeting.” at lumabas na si prof. Ay naku naman oh. Grabe naman magbigay ng punishment tong prof namin. At ano? One week? Sakit nun ah.tsk.

           “best ok ka lang?”ano ba tong bestfriend ko? Kita na ngang binigyan na ko ng punishment, tatanungin pa ko kung ok lang ako?

          “ikaw best? Ok ka lang? Kita mong binigyan ako ng parusa, tatanungin mo pa ako kung ok lang ako? Alis na nga tayo dito! Mauna ka nalang umuwi. Susunod na lang ako. Pupunta na kong gym. Sige bye”sabay halik sa kanya sa cheeks at lumabas na ko patunong gym. Hindi ko na hinintay yung sagotn niya. Nakakaasar na araw naman to. Ang malas! grrrr.....

-----------------------------

A/N:

hindi naman po talaga ganito ang mga character sa totoong buhay. ginamit ko lang yung pangalan nila pero iniba ko lang ang last name... ^_^

thank you po sa nakabasa na..... at patuloy pong bumabasa...

vote at magcomment po kayo. every comment is appreciated po. 

negative man or positive.

thank you!!! :))

<3

I MET MR. YABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon