Pau’s Pov
Hay salamat recess na..!!! yesss!!! Makakaalis na rin kami dito.
“Pau dali! Canteen na tayo..Gutom na talaga tong mga alaga ko.. Aleerrrtttt..!!!”kita mo yan. In fairness sa kanya ah. Hindi halata kung bakit siya tumataba.tsk,tsk,tsk. Ay mali. Hindi pala tumataba. Nagiging chubby lang...hehehe..^_^
“Opo”maikling sagot ko nalang pero hindi na yata niya narinig kasi nga nauna na siyang lumabas. Hay.. Si Jettalene talaga ang takaw. Ooooppppssss..!!! sopih lang kayo..ssssshhhhh... ^_^v
Makasunod na nga sa kanya. Gutom narin ako eh..
Canteen
So, heto kami ngayon. Nakapila habang may hawak-hawak na tray. Ganito kasi sa skul namin eh. Pipila ka lang tas bahala ka nang kumuha ng pagkain mo. Libre nayun. Ay hindi pala. Bale kasama nayun sa mga binabayaran namin dito sa school.
Wow ang sasarap ng mga pagkain ngayon dito ah. Kailan ba naging hindi masarap pagkain dito? Ano ba yan? Ako na ang baliw dito. Kinakausap ko na sarili ko eh noh. Ayos din yun ah. Kasi naman itong kasama ko busy na sa kakakuha nung pagkain niya. Kulang pa yata binabayad niya para sa kinakain niya araw-araw eh. Kung makakuha ng pagkain, wagas!..hahahaa...
Pero nakakatakam talaga ang mga pagkain ngayon. Hala! Parang nagiging matakaw na rin ako ah? Ano ba yan? Baka maging katulad narin ako ni Jett na chubby?! Huhuhu...
“Jett ano ba naman yan? Nakakahawa ba pagiging matakaw mo? Hala naman oh. Baka maging baboy narin ako katulad mo.! Kawawa ang sexy body ko! huhuhuhu” drama ko. hehehe
PAK!
“Aray!! Kung makabatok naman akala mo wala ng bukas? Eh kung nasubsub kaya ako dito sa mga pagkain sa tray ko?” batukan ba naman ako? Kamusta naman yun?
“Gaga! Anong baboy yang pinagsasabi mo? Fyi, matakaw ka rin naman talaga. Pasalamat ka at marami kalang talagang bulate kaya hindi ka tumataba. Ako pa sisihin sa katakawan niya? Ano ako may sakit na nanghahawa?”hala nagtatampo na yata...hehehe.. joke ko lang naman yun sa kanya eh. Naku po nag lakad na. Masundan nga.
“Hoy bestfriend! Saan tayo uupo?”tanong ko sa kanya ng makalapit na ako.
“Best, tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan ka lang? Edi maghahanap pa tayo! Diba sabay tayo pumasok dito sa canteen? Na una ba ako dito, ha? Kung makatanong to akala mo kung, tsk. Akala ko ba matalino ka?”ayan nagiging manang na naman.
“ay oo nga nuh.? Hehehe.. tanga ko naman..hehehe..uy teka! Diba nauna ka sakin? Sumunod lang kaya ako sayo.”diba sumunod lang talaga ako sa kanya?
“ay oo nga. Nauna pala ako sayo..hehehehe.. Tanga din pala ako best. Hahahaha... Pareho tayo ^_^” ang bruhang to. Nakangiti pa oh. Pero inamin niya na may pagkatanga rin siya ha..whahahaha.. Baliw na kaming dalawa.
“maghanap na nga tayo ng mauupuan”sabi ko nalang sa kanya. Andami kayang tao ngayon ditto sa canteen. Halos puno. So ngayon hanap nalang kami nang hanap ng pwede naming pagpwestuhan.
Tingin dito.
Tingin doon.
Hanap.
Hanap.
Hanap.
(“ ) <---
--->( “)
“Best dito oh!”sigaw naman ni jett kaya napalingon ako agad.
“saan?”
BOOOGGGSSHHHH!!!!
Ouch! May nabunggo ata akong pader. Ang sakit eh. Syempre nahulog na lahat ng pagkain ko. Wala na! Food ko!!! Huhuhuh... >_<
“Bulag ka ba ha? Kita mo namang may tao, binangga mo pa? Ano tingin mo sakin? Tao sa palayan? Bulaklak?halaman? hello? Tao po ako oh.. Hindi halaman.. Hawakan mo pa ako oh. Gusto mo pisil pisilin mo pa eh?”sabi ko sa kanya na para bang nakainom ako habang sinasabi ko yun. Nakangisi pa ako na halata namang plastic. Pinasingkit-singkit ko pa mata ko.Gusto kolang kasi siyang mainsulto. Hmp!
“AT AKO PA ANG TINAWAG MONG BULAG? SINO BA SA ATIN ANG HINDI NAKATINGIN HA?TATANGA-TANGA KA KASI AT LILINGON NALANG BIGLA! SO, ANO NALANG TONG DAMIT KONG DINUMIHAN MO?”hala! sinigawan ako ng....
Hala! Si..si..si... NIK BUENAVISTA!!! Ang almost perfect na heartthrob dito sa campus! Oh shit ano to? At..at... sinigawan ko pa? OMG! Wala na..! crush ko pa naman to! Pero, sinigawan din niya ako? Aba yabang nito ah! Di man lang marunong magsorry? Siya kaya nakabangga sakin! Hindi na! Hindi ko na siya crush! Promise...!!! suplado!! Yabang!!!
“Akal....”sisgawan ko pa sana siya kaso hindi na natuloy kasi tumalikod na siya.
“stupid”bulong niya pero narinig ko naman. Aba walangya yun ah.
“bastos! Yabang!”sigaw ko nalang sa kanya. Kahit doon lang makabawi man lang ako diba? Pero tinignan niya lang ako ng masama at tuluyan ng umalis.
Jett’s pov ( meet jett)--------------------------->>
“bastos! Yabang!” hala wala na. Sumigaw pa talaga siya ha. Nagpahabol pa ang bruha kong bestfriend. Syempre pahiya na siya sa maraming tao. Lahat na yata sila nagbubulong- bulungan eh. Umaandar na naman talaga pagkatanga nito. Ayan papalapit na.
“hoy bruha ka! Anong ginawa mo? Diba crush mo yun?”sabi ko sa kanya pagkalapit niya sakin.
“anong ginawa? Siya kaya bumangga sakin. At anong crush? Hindi ko na siya crush ngayon. Na turn-off na ko. Tas ang yabang ha. Ang bastos pa. Hindi pa nga kami tapos mag usap, tumalikod na?”gaga talaga tong bestfriend ko. Nag uusap daw?
“nag uusap ba tawag mo dun? Eh halos nakatingin na nga lahat ng tao sa inyo dahil sa lakas ng pagsisigawan niyo eh.”singhal ko sa kanya.
“ganun ba talaga ka lakas?”ayan na.
PAK!
“Aray!!! Bakit mo ko binatukan? Nakakarami ka na ngayong araw best ha.” kasi naman binatukan ko nga.
“Alam mo best, tanga ka! Matalino ka naman pagdating sa pag aaral pero pagdating sa ibang bagay, tanga ka. Alam mo ba yun?”napupuno na talaga ako sa babaeng to.
“ah hehehe.. ganun ba best? ^_^”kita niyo tanga nga. Kinamot kamot pa ang ulo niyang binatukan ko. Nakangiti pa talaga ha. Hay naku.
“tara na nga..!! nawalan na kong kumain. Balik na tayo sa room.”hinila ko nalang siya palabas ng canteen. At bumalik na kami sa room namin. Sakto naman na magtatime na.
---------------------
A/N:
ang ikli- ikli po ng UD ko...pagpasensyahan niyo nalang po..
comment po kayo.. mapa positive o negative pa po yan ok lang..^_^
thank you...!