Chapter six
Pau’s Pov
Lakad.
Lakad.
Lakad.
Lakad lang ako ng lakad.
Ang sakit na ng paa ko...! TT___TT
Medyo malayo pa ang bus stop. Hay. Bat ba kasi minamalas ako ngayon?tsk.
Tumigil muna ako para kunin ang cellphone ko sa bag ko at tinatry kung buksan. Ayaw pa rin! ( empty nga diba? Tanga? Tanga?) huhuhuhu...
“hi miss. Naliligaw ka yata ah?”hala ngising aso! Anong gagawin ko? Mukhang masama to ah. At hindi lang isa, kundi tatlo pa sila! Wala pa naman akong alam sa martial arts! Ang lampa ko naman!?
“ah hindi po. May pupuntahan lang po ako. Sige ha? Mauna na ko. Hehehe..”at mabilis na kong naglakad. Kung pwede nga lang tumakbo eh.
“gusto mo hatid ka na namin?”hala sumunod pa sila!
“saan ba tungo mo miss? Sa langit ba?hahahaha.. doon din tungo namin eh. Sabay nalang tayo”sabi pa ng isa sabay hawak sa braso ko.
“ah hindi po dun ang tungo ko”hala! Huwag po lord! Pilit kong binabawi ang kamay ko pero mahigpit talaga ang pagkahawak. Superman, batman, kahit sino ka man! Help! Iligtas mo ko please!
“dali sama ka na sa amin..hahaha”sabi pa ng ikatlong lalaki sakin at nakangisi pa ah. At pilit na nila ako ngayong hinihila. Pero pilit din akong kumakalas kaso hindi ko talaga kaya ang lakas nila, lalong lalo na at tatlo sila. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay...
“TULONG! TULUNGAN NIYO PO AKO! HELP!!! HELP!!!” nagsisigaw na ko ng nagsisigaw na para bang sira o na sapian dahil sa pilit na kumakalas para makatakas sa kanila.
“hahahaha... miss walang makakarinig sayo dito. Whahaha..”
Hala oo nga. Ngayon lang kasi ako nakapaglakad papuntang bus stop kaya di ko alam na nasa bakanteng lote sa gilid ng kalsada na pala ako. Diyos ko! Tulungan niyo po ako. Magpadala po kayo ng anghel na sasagip sa akin mula sa mga demonyong ito. Lord please po! Huhuhu...
“bitawan niyo siya!”napatigil naman kami. Diyos ko salamat po at pinakinggan niyo ang panalangin ko. Nang tignan ko kung sino ang sumigaw..
“nik?”omg! si nik nga! Lord naman? Diba sabi ko anghel? Bakit another demonyo tong pinadala niyo? Di bale na nga po. Gwapong demonyo naman eh...hehehe..joke lang po.
“uy pare. Wag ka ngang makisawsaw pa sa sawsawan namin. Amin na to eh. Umalis ka na lang kung ayaw mong masaktan”manyak talaga to eh noh!?
“pare ikaw ang bumitaw sa girlfriend ko kung ayaw niyong humiram ng mukha sa aso!”?_? girlfriend? Anong pinagsasabi nito?
“ah ganun ba? Edi tignan natin.”saad ng isang lalaki at sinugod na si nik. Sinuntok nito si nik pero nakaiwas ito. Si nik naman ang sumugod at... napatumba niya ito? Ano siya nagmamartial arts? Hala! Ang lakas niya ah! Siya na!
At sumugod na rin ang dalawa pang mga lalaki. Binitawan nila ako? Pagkakataon ko na to para tumakas! Yes! Pero pano si nik? At nung tignan ko siya...
Hala! Nasuntok siya ng isang lalaki! At bumangon na rin yung isang napatumba niya kanina kaya tatlo na sila! Anong laban ng isa sa tatlo diba? Kailangan ko siyang tulungan! Ano bang gagawin ko? Teka! Teka! Wait lang! Ano ba yan di ako makapag isip ng maayos! Langs naman oh?
Teka! May kahoy na pwedeng pamalo! Jackpot toh!hahaha...
“yaaaaahhhhhh!”oh diba? Parang ninja lang noh. Sabay palo ko sa likod ng isang lalaki na susuntok na dapat kay Nik. At napatumba ko siya! Blehhh! Masarap ba palo ko? Hahaha.. Bagay sayo!
At alam niyo ba itsura namin ni Nik ngayon? Nakatalikod kami sa isat isa na para bang mga agents sa isang mission na naghihintay kung susugod ba ang kalaban o hindi.. hahaha.. ka funny lang. Ako lang yata yung taong muntik nang mapahamak na halos maiyak na kanina, eh tumatawa pa. Sira na yata ulo ko..whahaha..
“anong nginingiti mo? Ikaw lang yata yung muntik nang ma rape na masaya. Bakit? Gusto muh? Edi sana di nalang ako dumating. Nadamay pa tuloy ako” aba! Ang ungas talagang to!
“hoy ungas! Anong gusto? Bastos mo ah! Anong akala mo sakin? At hindi ko naman sinabing tulungan mo ko! Malay ko bang ikaw yung pinadala ng diyos na tumulong sakin? Sabi ko nga anghel yung ipadala eh kaso isa pa palang demonyo yung dumating?”tsk. kung gusto kung magpa rape, edi sana sayo nalang? Hala! Hahahaha... ano tong pinagsasabi ko? Ka loka!
“hoy babae. Anong demonyo? At least gwapong demonyo diba?”at nguminti pa ah.
“yabang!”tsakto naman sumugod yung dalawang lalaki. Syepre tag iisa kami. At the end, the winner is...tantararantaran! kami!!! Whahahaha... loka loka na ko... ! ^_^
Pinulot ko na yung bag ko at humarap sa kanya. Siya naman mukhang pagod na pagod. At hala! Dumudugo yung labi niya? At may mga gasgas pa siya. Naku po nasaktan talaga siya. Huhuhuhuh...
“you owe me this!”galit? malamang! Sino ba ang hindi magagalit kung nasaktan ka dahil sa ibang tao diba?
“i know! Gagamutin ko nalang. May first aid kit kaba sa kotse mo?”
“wala. Naiwan ko sa condo. Doon mo nalang ako gamutin.”at tumalikod na siya.
Ano? Sa condo niya? Omg! Baka nag aalala na pala si mommy sakin! Bahala na nga lang. Makiki charge nalang ako mamaya sa kanila at tatawagan ko si mommy. Ipapaliwanag ko nalang lahat lahat sa kanya. As of now, kailangan ko muna siyang gamutin. >_<
later*
----------
so short lang po eh.. ^_^
add me in facebook:
patz kassandra sy
patzkas@gmail.com
thanks!!!
mag comment po at maglike... :))