Kapag Nakita Mo Na Siya,
Wag kang mag-taka kung di ka niya agad makilala.Kung Ano Yung Naramdaman Mong Kilig,Baka yun din ang maramdaman niyang inis.
Kung Paano Mo Siya Titigan,
Baka ganun ka lang din niya lagpasan.Balewalain.At Hindi Pansinin.Kung Gaano Kabilis Yung Tibok Ng Puso Mo Nung Nakita Mo Siya,
Baka ganun din Kabilis ang pag-Alis niya.At Sigurado Akong Itataboy Ka Niya Palayo, At kapag nangyari yun wag mong sana ng isiping wala ng pag~asa.
Siguro Sanay Na Lang Din Talaga Siyang Mag~Isa.
At sa hinaba-haba ng Panahon ng pag~iisa niya Iniisip niyang hindi na niya kailangan ng iba. Nang Isang katulad mo na maaring magdala sa kanya sa ibang mundo.
Maaring ganyan ang turo sa kanya ng Buhay at pag~ibig, Ang damhin lahat ng sakit. Ang tanggapin lahat ng ibato ng buhay. Ang palayain lahat ng emosyon Hanggang sa wala na siyang maramdaman pa.
Kaya't kapag nakita mo na siya,
Hindi na siya naniniwala sa pag-hiling sa mga bulalakaw.Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at ng mga butuin,o sa kung anong Pwersa ng unibersa na maaring mag-Tulak sa Kaniya patungo sayo.
Hindi na siya naniniwala sa kung anong salita na nilikha ng pag-ibig.
Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig.
Kapag nakita mo na siya,
Baka ang tanging papel na lang ng puso niya ay panatilihin siyang buhay.Baka tumitibok na lang Ito upang padaluyin ang dugo sa katawan niya.
Dahil kapag nakita mo na siya,
Hindi na niya alam ang pakiramdam ng magmahal at mahalin, ng arugain ,at yakapin.Ngunit wag kang mag-alala.
Mukha lang naman ng pag-ibig ang nakalimutan niya.
At Ipaalala Mo Ito Sa Kaniya:
Wag kang magsasawang Ipaalala sa Kaniya kung gaano siya kaganda.
Wag kang Titigil sa pag sabi ng mahal mo siya.Na kahit sa pag banggit mo ng 'mahal kita'.Pait at sakit ang naalala niya.
Wag kang Titigil na sabihin Ito sa Kaniya Hanggang sa maalala niya na:
Sa Likod ng bawat pait, ay may tamis.
Sa Likod ng bawat sakit, ay may ligayang dulot.
Ang mga salitang 'mahal kita'.
At kung saktan ka man ng mga salita niya,gantihna mo Ito ng yakap.
Kung mag-pumiglas siya, hatakin mo siya pabalik at yakapin ulit.
Kung paulit-ulit siyang umalis, paulit-ulit mo din siyang habulin.
Kung paulit-ulit siyang Bumitaw, paulit-ulit mo din siyang hawakan.
Pakiusap, Wag na wag mo siyang bibitawan.
Wag na wag mo siyang pakakawalan.
Ipaalala mo sa Kaniya:
Na minsan din siyang naniwala sa pag hiling sa mga bulalakaw.
Na minsan din siyang namangha sa mahika ng buwan at mga butuin.
Na minsan din siyang naniwala sa mga salitang nilikha ng pag-ibig.
Na minsan rin siyang naniwala sa pag-ibig.
Ipakita mo sa Kaniya ang bangong mukha ng pag-ibig.
Pakiusap, wag na wag mo siyang susukuan. Hanggang sa maisip niya na ang pag-iisa ay mayroon ding hangganan.
Please like and vote :)
![](https://img.wattpad.com/cover/88843748-288-k775893.jpg)
YOU ARE READING
Spoken Word Poetries :)
PoetryHai I'm Zoe and I do Poetries!!! I hope you love them cause I put effort to all of them to make all of you happy!!! ENJOYYYY :)