Chapter 7: It's Official

1 0 0
                                    

Shanel's POV

It's been 3 roller coaster weeks since nung magsimula manligaw sakin si Nicko. At first, I super tried to resist him, pero wala matindi talaga ang kamandag ng chinito prince na yun parang king cobra. Haha! He never failed to amaze me. Naging dakilang driver ko na, tagabuhat ng gamit, tour guide, food buddy, at super clown kapag malungkot ako. It won't be a surprise kung ang tinitibok ng puso ko'y siya na. Opo, you heard it right .. MAHAL KO NA SIYA! MAHAL KO NA SI NICKO ENDO! (heart beating fast). At ngayon araw na ito December 7, 2018 mapapalitan na sa wakas ang STATUS ng lola nyo. HAHA! Abangan.

---

Nicko's POV

Buzz ... Buzz.. Zzzz!

Buzz .. Bzzzzz!

Anu ba yan ang ingay naman, badtrip na alarm to. Wala akong pasok today! Ang sakit pa naman ng ulo ko. Naparami yung inom namin kagabi. Ayoko ng maginom ng ganun. Shame!

Text ni panget .. (biglang tunog ng phone nya)

5 messages received from Baby Shanel

Nagmadali syang basahin yung text at mabilis ding nagreply.

Shanel: Nasaan kana? May usapan tayo diba. It's already 11am, kanina pa kita hinihintay dito sa National Museum. Haaaays. :(

-

Nicko: I'm sorry! I'm really sorry nalate ako ng gising kasi diba I went out with my barkada. Pasensya na talaga. I'll be there in 30 mins. Please wait! I love you.

---

Toothbrush, hilamos ng mukha, palit ng damit at konting pabango, wala ng ligo ligo at kain kain. Binilisan ko sa pagdadrive para less than 30 mins. makarating ako. Sobrang disappointed ako sa sarili ko, I promised her na maglilibot kami sa hidden gems of Manila today. Pero wala sinira ko na yung simula ng araw. Haaaaay Nicko! You're such a loser.

Umilaw ang phone ko, 1 message received binasa ko agad:

Hi Nicko! I can't wait for you na kasi marami pa akong pupuntahan for my history subject. Wag ka ng tumuloy. TC! -Shanel

Nung nabasa ko yung text nag ala- fast and the furious ako sa pagdadrive.

10 mins ....

Sakto pagdating ko dun naglalakad na si Shanel pababa ng hagdan, so tinakbo ko na papunta sa kanya. Bigla syang nagulat nung tinawag ko sya, di inaasahan natapilok si Shanel at na out of balance. Mabuti na lang talaga basketball player ako nasalo ko sya agad ........

Nang biglang nag-slow mo ang paligid napatitig ako sa kanyang mala-anghel na mukha. Pakiramdam ko siya si Louis Lane at ako si Superman. Unti unti minulat nya ang kanyang mga mata akala nya siguro nahulog na sya. Nagtagpo ang aming mga mata, sumulyap ang ngiti sa aking mga labi. Dali dali naman syang tumayo at inayos ang sarili.

"Thank you! Anung ginagawa mo dito? Sabi ko diba magstay kana lang sa inyo." - Shanel

"Tingin mo ba papayag akong magisa ka, masyadong delikado. I'm sorry talaga late ako." (Nakayukong sabi ni Nicko)

"Oh halika na!" (Sambit ni Shanel at sabay hawak sa kamay ni Nicko)

Totoo ba ito Lord? Hawak nya talaga yung kamay ko. Baka naman po panaginip to. Mukhang hindi kasi nagdadrive ako ngayon umaandar naman. Concsious naman ako. Napatitig ako kay Shanel habang naka stop ang traffic lights, aba at talagang ngumiti pa sya sakin. Ito na ba Lord, ito na ba yung takdang panahon.

"Ehem ehem! Ui Mr. Endo go na po, green na po. Kanina kapa, nakakatakot kana tumingin. Wag mo kong kikidnappin. Please! :( Haha!" (pangaasar ni Shanel)

"Ikaw nga dyan makatitig ka sakin parang pinagnanasaan mo ko. HAHA!!" (kantsaw ng binata)

---

SHANNEL'S POV

Sa wakas nakarating din kami ng Binondo. Mabuti na lang di gaanong traffic. Paano ba ito? paano ba ako magsisimula? Inaya ko si Nicko na dun muna kami sa Binondo Church. After namin magdasal sa loob ng simbahan, iniwan ko muna sya at lumabas ako para magtirik ng kandila sa gilid ng nito. Makalipas ang ilang minuto, pagmulat ko nagulat ako na nasa tabi ko na sya nakangiti. (Haaaay, nakakapanghina ang gwapo nya talaga! Maghunos dili ka day nasa simbahan kayo.)

Bigla syang nagtanung:

"Teka Panget, anung pinagtirik mo ng kandali? Yung puso mong patay na patay sakin? LOL!"

-Nicko

"Ang hangin mo talaga, wag masyadong assuming. But I actually prayed for someone special na kasama ko ngayon. I told Papa G na ngayon yung araw na sasagutin ko na siya."

-Shanel

Natahimik ang buong paligid, wala akong narinig ni isang salita mula sa kanya. Ang tanging naramdaman ko lang may mga brasong mahigpit na yumakap sakin. At ang pagdampi ng malambot na labi sa aking noo. Dama ko ang kanyang mainit na katawan. Dinig ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Unti unti nyang inilapit ang kanyang mga labi sa aking tainga at sinabi, "Thank you Lord ang lakas ko sa inyo."

At sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi niya. Hinawakan nya ang aking mga kamay, tumitig sa aking mga mata at nagmutawi sa kanyang mga labi ang magic words ni kupido:

"I Love You Shanel!"

"I love you too yabang."

---

Pagdating ko ng bahay nagpalit agad ako ng pantulog. Tila ba isang panaginip ang nangyari sa buong araw na ito. Kinuwento ko lahat kay Manang, kilig na kilig sya at sinabing okay na okay daw si Nicko para sa kanya. Pero, walang kaalam alam ang parents ko sa mga nangyayari sakin. Sila kaya matatanggap nila? Okay lang kaya para sa kanila? Ay! Maitulog na nga lang ito. Basta wala kaming ginagawang masama at mahal namin ang isa't isa. Bukas ko na lang yun iisipin. Thank you G! The best ka po.

1 message received

Babe: Goodnight my princess! I love you. Thank you so much for today. It was a blast. You are the best gift I received this year. :*

A One Month Love Story :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon