Chapter 8: The Secret Revealed

1 0 0
                                    

CC's POV

It was morning of December 10, when I received one of the most heartbreaking news for year 2018. Isang text message galing sa dakila kong bestfriend na si Shanel. Isang message na ginising ako sa katotohanang napakatanga ko pala.

1 message received ...

Shanel: Hi CC! I miss you already. I'm sorry kasi di kita pinapansin these past few weeks nagtatampo kasi ako sayo pero now okay na ako. By the way, may good news ako for you. For the 3rd time in history magbabago na ang STATUS ko!

...

I'm in a relationship now. :)

Sa wakas di mo na ako ibubully na ang chaka at ang sama ng ugali ko kaya wala magkamali. Kasi meron na. LOL!

--

10 minutes bago ko sya ni-replyan ..

CC: Oh talaga? Who's the lucky guy? Dapat makilatis at makausap kong mabuti yun.

She texted me back.

Shanel: Nyeh! Anu ka tatay ko? Haha. Pero sige papakilala ko sya. Pareho kayong gwapo at mabait. Ngayon ko lang nafeel to ulit CC. Meet ka namin today, sama mo si RD mag-isaw kamu tayo. Nicko Endo yung name nya.

--

When I read his reply sabi ko na tama ako. Yung Nicko na nameet ko sa bistro is now his boyfriend. After her last message di na ako nagreply. Dumiretso ko sa shower room nagpakalunod, de joke lang. Di ko namalayan napaluha na ako. Mukha lang ni Shanel yung tumatakbo sa isip ko, yung ngiti nya, yung mata nya, yung tawa nya. Huli na nga ba talaga ang lahat para sa akin at sa kanya? (napabuntong hininga).

--

Habang nasa set ng photo shoot kinakalma ko yung isip ko, naglaro ako ng kung anu anung games sa phone ko. Kasama ko sa dressing room si Jansen yung best buddy ni Nicko. And I accidentally heard him talking to a girl model tungkol sa isa nyang friend na natalo sa pustahan nila. He said:

"You know what I have my friend Nicko, nung una talaga pinagpustahan lang namin na paibigin nya yung girl pero in the end natalo sya kasi she fell in love with her." - Jansen

"Oh really! He is the handsome Chinito guy right? So who's the lucky girl? Is she pretty? I dated that Nicko guy once." - Model

"She has an angelic face, she's lovable, her name is Shanel. " - Jansen

--

After I heard their conversation, sobrang nakadama ako ng galit. Gusto kong umalis ng set at sumugod sa mokong na Nicko na yun. Gusto ko syang sapakin hanggang sa ospital na sya pulutin.

"Kalma Carlo, kalma!" sabi ko sa sarili.

Pagkatapos ng shoot, I hurriedly went to see Shanel. Pinuntahan ko sya para sabihin yung mga narinig ko. Then our conversation started:

"CC! (with matching hug pa) , sabi ko diba double date tayo bakit di ka nagreply? Tsaka bakit naligaw ka dito?" -Shanel

"Shanel, I'm not here para mangamusta or what. I came here kasi concern ako sayo. Wala akong paki kung maniniwala ka o hindi, pero gusto lang kitang protektahan kasi mahal .. aaga.., ka sakin." -Carlo

"Teka lang CC! Let me breath first. Grabe mukhang seryosong bagay yan ah." -Shanel

"They placed a bet to win your heart! Pinagpustahan ka nila." -Carlo

"Hahahah! Grabe sobrang dami ko tawa sa joke mo bestie mga 10." -Shanel

"Okay, I'll go ahead. It's all up to you now. Ask him!" -Carlo

--

SHANEL's POV

Oh my gosh talaga! Nakakagulat naman si Carlo Benedict dadalaw na lang meron pang pasabog. Pero teka, teka nga lang nagbibiro nga lang ba siya? Gawain ba ni CC na magbiro or umarte? Grabe naguguluhan ako. Parang sasabog yung utak ko at nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Anu ba yung totoo? ANU NGA BA?!

I called Nicko right away! Kring .. kriiing..kriiing...

Nicko: Hi babe! Napatawag ka po?

Shanel: Lets meet at the Cafe Venice 3pm today. Please. Thank you!

Nicko: What's wrong babe?

Shanel: Nothing, I just want to talk to you.

Nicko: Okay babe. See you! Love you so much. :*

Shanel: Okay, take care. Love you too. *Toot toot* (end call)

---

Why do I feel so bad? I feel so sad? I feel so helpless? What's happening!? Haaaay. Nandito na ako sa cafe naghihintay sa superman ko. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanan. Mamaya na nga ako magisip. Natanaw ko na syang pababa ng kotse. Inayos ko ang aking pagkakaupo, huminga ng malalim. Ngayon nakaupo na sya sa tapat ko. Grabe yung ngiti nyang nakakatunaw puso, yung mata nyang nangungusap, nakaka-inlove talaga. Oops oops! Gising Shanel! Gising!

--

Nicko: Hello babe! I miss you already kahit kahapon kasama lang kita. How are you?

Shanel: I'm quite fine, hmmmm.

Nicko: Hmmm? What's the matter?

Shanel: Uhm..mm.m Nicko pinagpustahan nyo ba ako? PLEASE ANSWER ME HONESTLY!

Nicko: Huh?! uhmm. mmmm.

Shanel: Nicko what? Please tell me!

Nicko: Uhmm.. okay maybe its the right time for you to know, yes we did. But I surrendered to that right away, lalo nung nalaman ko kung gaano ka kabuti at kasarap mahalin. I'm very sorry babe!

Shanel: Okaaa ..aaa .. yy . .

Di ko na napigilan umiyak, habang tumatakbo ako palabas at nagmadaling sumakay ng taxi. Alam kong hinabol nya ako pero parang wala na lang sakin. Nabalutan ang buong pagkatao ko ng kalungkutan. Mabilis akong umakyat sa kwarto, nagtaklob ng kumot at mahigpit na yumakap sa aking unan. Nasabi ko sa sarili, siguro di pa talaga ito ang tamang panahon.

--

Matapos kong nalaman lahat, I never used my phone. Lahat ng social media accounts ko ni-deactivate ko na. I stayed at our vacation house in Batangas. Tinakasan ko na ang lahat, hapdi, sakit, alaala, at pati yung mga taong totoong minahal ko. Nagdaan ang Christmas at New Year ng parang hangin, wala akong sinumang kinakausap maliban kay Manang at sa parents ko. I decided na sumama na sa parents ko sa Europe at dun na rin mag-aral. Magsimula ng panibagong buhay, malayo sa kulungan ng nakaraan. Mas mabilis rin sigurong maghihilom ang mga sugat ng aking kahapon.

--

TULA NG KAHAPON

Paglisan ko'y dulot ng kahapon,

Kahapong kay saya at kay pait,

Kahapong hiniling na maging bukas,

Kahapong pinuspusan ng pagibig.

Paglisan ko'y dulot ng kahapon,

Kahapong nais kong kalimutan,

Kahapong gusto kong takbuhan,

Kahapong nais ko ng iwanan,

Pati mga alaalang gusto ko ng bitawan.

- Anonymous

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A One Month Love Story :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon