"Hay Nako!" sigaw ko kay Andrea dahil napagalitan ako ng dahil sa kanya. "Bakit?" pa inosenteng tanong ni Andrea sa akin. "Nang Dahil sayo napagalitan ako!" sambit ko sa kanyang tanong. "Sorry" sabi niya sa akin na may ma-among mukha. "Ok" sabi ko sa kanya.Lunch Break, ako lang mag-isa kumain, biglang "Dianne?" tanong sa'kin ni Jake. "Jusko eto nanaman! Omaygad keep calm." sabi ko sa sarili ko bago sagutin ang tanong ni Jake. "Oh,Hello Jake" sabi ko sa kanya. Tumabi sa'kin si Jake sa table at tanong niya sa'kin "Ba't ikaw lang mag-isa kumain?" tanong sa akin ni Jake, "Yung mga kaibigan ko kasi may ginagawa pa." sagot ko naman sa kanya. "Di-bale, sasamahan nalang kita.". Nagulat ako sa sinabi ni Jake na sasamahan niya daw ako tuwing Lunch. "Oh,ba't ka namumula?" tanong sa'kin ni Jake. "Wala to, hehehe" sabi ko sa kanya.
Nag-Usap kami buong mag damag at tinanong niya ako. "May crush ka ba? Or Admirer?" nagulat ako sa kanya at sinagot ko nalang "Wala naman" sagot ko lang sa kanya. "Gusto mo sabay tayong umuwi mamaya?" tinanong niya ulit ako. "Sige" yun lang ang aking sagot. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng oras na yun, kumbaga parang mixed emotion ang lahat.
Habang nasa bus kami, biglang may pumasok na kahina-hinalang lalake sa bus. "Mag-ingat ka" sabi sa'kin ni Jake, nagtaka ako ng mga sandaling iyon."HOLDAP TO!" sigaw ng mamang may hawak na baril. Nagsigawan lahat ng mga pasahero sa bus. Sa'kin na yang bag mo!" sigaw sa akin ng Holdaper, nakatutok sa'kin ang baril ,biglaang inagaw ni Jake ang baril at sinuntok niya ito sa mukha. Biglang napahiga ang Holdaper at nakatulog sa sapak ni Jake. Pagkatapos noon ay tumigil ang bus at humingi ng tulong sa mga pulis. "Jake! Ok ka lang ba?!" tanong ko sa kanya, nag-aalala ako sa kanya dahil baka may nangyari sa kanya. "Ok lang ako, eh ikaw ok ka lang?" tanong niya sa akin , "Ok lang" sabi ko sa kanya. Pagkatapos ng mga naganap na pangyayari, umuwi na kami sa bahay at doon ko naisip na may crush ako sa kanya.
YOU ARE READING
My Nerd Boyfriend!
RomanceHello! Ako nga pala si Dianne, at meron naman akong isang crush na isang Nerd at ang pangalan niya ay Jake.Tunghayan natin kung papaano kami nagkakilala! :)