Habang ako'y papauwi, nakadama ako ng slight na pagkakamiss sa kanya. Pag-uwi ko sa bahay may naramdaman ako na parang may mabigat sa bulsa ng pants ko. "Ano to??" nang pagtingin ko ito ay panyo ni Jake. Nahulog ito nang napasandal si Dianne kay Jake sa may bus. "Anong gagawin ko?!" bigla akong nagulat at hindi ko alam kung anong gagawin ko.Kinabukasan, nagpunta ako sa school namin at pumunta ako sa classroom ni Jake. "Andyan ba si Jake?" tanong ko sa mga kaklase niya. "Jake,may tumatawag sa'yo." sigaw ng mga kaklase niya. "Oh,Dianne ba't ka nandito?" bungad sa'kin ni Jake nang kami'y nagkitaan. "Yung panyo mo kasi naiwan mo sa bus,buti nalang nahulog sa bulsa ko." sabi ko sa kanya ng biglang "Ayun! Thank you Dianne nahanap ko na rin ang panyo ko." sabi niya na may halong tuwa. Habang kami'y nag uusap, may biglang tumakbo na tao sa likod ko at ako'y natamaan. Ako'y nagulat nang napayakap ako kay Jake dahil muntik na akong mahulog. "Ok ka lang ba?" tanong niya sa akin. "Ok lang , salamat at sinalo mo ako." tugon ko sa kanya at ako'y nagpasalamat. "Sa totoo lang ikaw ang yumakap sa'kin,hehehe" sagot niya sa akin ng ako'y lokohin. Nagulat ako sa sinabi niya. "SORRY!!SORRY SORRY!" tugon ko sa kanya at ako'y bumalik ulit sa classroom ko.
"Nako Dianne, pumapag-ibig ka na ah,hihihi" sabi sa'kin ni Andrea. "Tumigil ka nga diyan Andrea, di naman kita inaano eh!" sigaw ko kay Andrea. "Eh ba't namumutla yung pisngi mo?AYIEEE HAHAHA" loko sa'kin ni Andrea.
"Manahimik ka na nga, ayan na teacher natin" sabi ko sa kanya. "Okieee!" sabi niya sa akin ng bigla ng pumasok ang teacher namin sa classroom.
YOU ARE READING
My Nerd Boyfriend!
RomanceHello! Ako nga pala si Dianne, at meron naman akong isang crush na isang Nerd at ang pangalan niya ay Jake.Tunghayan natin kung papaano kami nagkakilala! :)