Nicole's Pov
"Nicole, pwede bang makipag kaibigan sayo?" Sabi ni Sir Kaizh.
"Ahh Oo naman po sir Kaizh" naka ngiti kong sabi .
"Eh ako?" Tanong ni sir Andrei tsaka nagsalubong ang kanyang dalawang kilay
"Ahh oo naman po sir " sabi ko.
"Kung ganon, wag mo na dapat kami tawaging 'Sir' " sabi ni sir Andrei tsaka sya nag smile.
"100% True!" Madiin na pagkakasabi ni sir Kaizh.
Tumawa nalang ako at nakipag kuwentuhan sa kanila dahil tapos naman na kaming mag linis.
Ashley's Pov
Nakaupo ako dito sa may sofa ngayon at nakikipag kwentuhan kay sir Kyle.
"May naging bf kana ba? " tanong ni sir kyle.
Nagulat naman ako at natahimik ng tinanong nya yun sakin. Parang hindi ko alam ang isasagot ko..
Napatingin ako kay Nicole pero mukang busy at masaya syang nakikipag kuwentuhan kila Sir Andrei at Sir Kaizh.
Ramdam kong nakatingin sakin si Sir Kyle kaya medyo itinago ko ang muka ko sa hiya.
Unti unti kong naalala ang lahat nang nangyari saamin ni Darell.
Flashback
"Mahal na mahal kita Ashley." Sabi ni Darell habang nakangiti.
"Mahal na mahal din kita" sabi ko tsaka ako ngumiti sakanya at niyakap nya naman ako..
■After 1 week■
Bumili ako ng tshirt para regalo ko kay Darell.
Birthday nya kasi ngayon.Pumunta ako sa bahay nila pero sabi ng katulong nila ay wala daw si darell.
Paalis na sana ako pero naisipan kong hintayin nalang sya sa gate nila. Nakakahiya naman kung kakatok ulit ako sa gate nila..
Lumipas ang dalawang oras pero wala parin sya kaya umulan ng malakas. Wala akong pakelam sa ulan at hinintay ko parin sya dito sa gilid ng halaman nila. Para di nila ako makita.
Lamig na lamig na ako dito kaya nakatulog ako.
Paggising ko ay madilim na ang ulap at ambon nalang ang pumapatak na tubig.
Aalis na sana ako ng may makita akong sasakyan na paparating. Nakita kong sasakyan ni Darell yun kaya nagtago ako para isusurprise mo sya pag baba nya ng sasakyan.
Nang makababa na sya ay nakita kong may kasama syang ibang babae.
Pinag buksan nya ito ng pinto at lumabas na ang babae.
Hindi naging hadlang yun sakin dahil baka pinsan nya lang yan kaya tuluyan akong lumabas sa kinatataguan ko at tsaka ko sya niyakap habang nakatalikod sya.
"Happy Birthday babe" bati ko sakanya ng masaya.
Inalis nung babae anv pagkakayakap ko kay Darell.
Tiningnan ko ang babae. Maganda sya at mukang mayaman dahil sosyalin ang dating.
"Bitiwan mo nga ang boyfriend ko. Babe, sya ba yung sinasabi mo sakin na pinag pustahan nyo ng mga kaibigan mo? My Gosh ang chip! Buti nakayanan mo?" Maarteng pagkakasabi ng babae.
Napayuko ako at lumuha.
"Babe I'm so sorry mag e explain a--" tsaka nya ako hinawakan sa braso ko.
