Nicole's Pov
Tumunog na yung alarm at naligo na agad ako. Pag katapos kong maligo't mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto para mag almusal.
Pagkasara ko ng pinto ay saktong lumabas na din si Ashley sa kanyang silid.
"Goodmorning Nics" sabi nya.
"Goodmorning din Ash" sabi ko
Nag almusal na kami at pag katapos ay tumungo kami sa kwarto ng dalawang prinsipe ng mansyon na ito.
Nakalimutan kasi naming linisin kagabi ito dahil sa sobrang pagod.
Para mas mabilis ay nag tig isa kami ni ashley ng lilinisin na kwarto.
Ako ang naglinis dito sa kwarto nung Andrei at sya naman dun sa kwarto nung Kyle ata yun.
Pagbukas ko ng kwarto ay malinis naman na ang kwarto. Sa sobrang laki ng kwarto ay pwedeng matulog dito kasama ang barkada.
May hagdan sya papunta sa taas . Astig ng kwarto. Parang bahay na talaga.Binuksan ko ang isang pintuan doon sa loob ng kwarto nya.
Cr pala..wow may bathtub pa sya.
Umakyat ako sa taas ng kwarto nya.
Puno ng libro. May gym sya.
Ang lilinisin ko nalang dito ay ang mga alikabok at mga nakakalat sa sahig.
Papalitan ko nalang yung mga latag at punda ng kama nya.
Papalitan ang kortina at lilinisin ang cr nya.
"Mukang madali nalang ang pag linis ko dito" sabi ko
"Hahhhhh " Isang nakakapangilabot na bulong pero dinig na dinig ko.
"Sino yan?" Tanong ko
Pero walang sumagot
Di ko nalang pinansin at nag linis na ako.Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako.
Nag spray ako ng mabangong perfume para dito sa kwarto nya at sa cr nya.
Pagkatapos ay binuksan ko na din ang aircon para malamig ang kwarto nya pagkapasok nya.
Nang matapos ay sinarado ko na ang pinto ng kwarto nya para hindi lumabas ang lamig ng aircon sa labas.
Ashley's Pov
Pag pasok ko sa kwarto ay puno ng alikabok.
Napaubo ako sa sobrang dami ng alikabok."Ano ba yan ang dami namang alikabok dito. " sabi ko
nag linis ako at nang matapos ako ay may napansin akong isang pinto maliban sa cr at pintuan nya palabas.
Binuksan ko to at may hagdan pababa. Madilim kaya pinindot ko ang switch ng ilaw kung sakaling para doon yung switch.
Nang pinindot ko ang switch ng ilaw ay biglang bumukas naman ang ilaw doon sa hagdan tuloy tuloy na pababa.
Grabe. Ang haba ata ng hagdan. Pano kaya pag paakyat na ako?
Dahan dahan akong bumaba at tiningnan ang bawat litrato sa pader.
Sya ba itong bata na to? Ang cute nya naman.
Sa sumunod ay nakita kong picture nya kasama ang isang bata pa.
" ah baka ito ung Andrei " sabi ko .
Biglang may narinig ako na bumagsak na anong bagay doon sa baba kaya binilisan ko ang pagababa patungo doon.
Gym at Mga libro?
