Chapter 4: Boring Morning

189 35 13
                                    

Marco:

Thank God it's Friday! Natapos na ang first week ng klase. Weekends talaga ang lagi kong inaabangan sa mahabang isang linggong parusa sa school pero syempre hindi kasama sa parusa ang mga kaibigan ko. Gustuhin ko mang maggala this weekend ay hindi naman para magsaya ang pinunta ko rito sa Pilipinas saka ilang araw ko pa lang naman kakilala ang mga naging kaibigan ko.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, hinanap ko kaagad si lola para magmano. Wala siya sa usual na pahingahan niyang tumba-tumba na nakaharap sa terrace pati na rin sa kwarto niya kaya bumaba ulit ako hanggang sa nakasalubong ko si Manang Gina ang puno ng mga katiwala nina lola.

"Uhm, manang excuse po, itatanong ko lang po kung nasaan si lola?"

Ningitian muna niya ako bago siya magsalita. "Nasa kusina hijo, puntahan mo na siya roon."

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. May taga-luto o taga-hugas naman ng ng mga pinggan. Ano naman kaya ang ginagawa ni lola roon? "Ugh, sige po. Salamat po."

"Oh! Nandito na pala ang gwapo kong apo." nadatnan ko siyang nagluluto at nakaamoy ako ng mabango na parang sa Spaghetti.

"Lola? Bakit po kayo ang gumagawa niyan? Dapat nagpapahinga lang kayo." lumapit ako sa kanya at nagmano tapos humalik sa pisngi niya tapos sinilip ko ang hinahalo niya.

"Ay sus apo! Malakas pa naman ako oh para na rin itong ehersisyo. Nga pala, heto oh, nagluluto ako ng paborito mong pasta pero Pinoy Style." kumindat pa siya.

Agad ko siyang niyakap pagkarinig ko n'un. "Lola, marunong na rin po ako gumawa niyan pero salamat po ah!"

Hinintay kong matapos ni lola ang ginagawa niya. It's one of those things that mom doesn't do for me. Si Yaya Aileen lang naman talaga ang may malasakit at palaging nandiyan para sa'kin. Nakita kong hinahalo na ni lola sa pasta ang sauce kaya tumayo ako para tulungan siya.

"Apo, ako na. Gusto kong gawin ito." she said smiling at me.

"Ugh, sige po lola."

"Delizioso! This is still the tastier than those spaghettis I have eaten!" I told lola. "I miss this, lola. You used to cook for me every time I would have my vacation here."

"Really? I'm glad to know that, apo." hindi maalis ang mga ngiti sa labi niya.


Rita:

Hindi pa muna ako makakauwi ngayong weekend dahil ang napag-usapan namin noon nina nanay ay tuwing katapusan lamang ng buwan ako uuwi. Si momshie na rin kasi ang sasagot pati ng pamasahe balikan na ang unang sabi ay pwede akong makauwi tuwing Biyernes ng hapon. Nakakahiya nga naman sa kanya kung ganoon.

Katatapos lang ng hapunan at kami ay nasa sala at nanonood na ng tv.

"Ay oo nga pala, bago ko malimutan. Bukas nasa field kaming mga staffs kaya gagabihin ako ng uwi. Barbara, ikaw na bahala kay Rita ha." pag-inform sa amin ni momshie.

"Opo naman manay. Mabait na bata rin naman 'tong si Gandara." tugon ni Ate Barbara.

Tumayo na siya. "O sige, mauna na akong umakyat. Maaga ang call time namin eh."

"Sige po."

"Good night momshie!" binigyan ko pa siya ng flying kiss at nakita kong napangiti ko siya.

"Good night rin, baby girl."


Marco:

I rubbed my eyes then stretched my arms. It's really nice to wake up without somebody interrupting your precious sleep. How I wish everyday's like this. I reached for my phone on the table next to my bed and it showed it's already 9:38 am. I smiled. Ang sarap matulog! Buon giorno bel mondo!

Without Warning (MARTA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon