Chapter 5: New Favorite Thing

183 34 11
                                    

Marco:

Sinama ako ni lola sa simbahan. It was almost ten on my wrist watch when we arrived. The church was crowded. Pami-pamilya ang nakikita kong magkakasama. That sight makes my heart ached a bit. Somehow I miss my mom and dad.


Rita:

Kalalabas lang namin ni momshie Darla sa simbahan. Dahil first time ko sa simbahan nila rito, sinunod ko ang naririnig ko noon pa na mag-wish kasi magkakatotoo raw iyon. Pero sa totoo lang, ano pa nga ba ang hihilingin ko? Sobra-sobra na ang pagbudbod sa amin ng mga biyaya kaya ang tanging mahihiling ko na lang ay ang kaligtasan at kalusugan ng mga mahal ko sa buhay kabilang na sina momshie at ate Barbara na napakabait sa akin pati na rin ang iba pang mga taong tumulong sa pamilya ko. Lulan na kami ng pulang kotse ni momshie at siya ang nagmamaneho nang mapansin kong parang iba na ang dinaraanan namin. Kahit ba isang linggo at mahigit pa lang ako sa lugar na ito alam ko na kung napapalayo na ba ako, sa naging buhay ba naman namin noon na palaboy-laboy ako sa kalye kaya napatanong na ako.

"Momshie? Lumalayo po yata tayo? May pupuntahan po ba tayo?"

Nakangiti itong bumaling sa akin, "Pupunta tayo sa mall, magsho-shopping tayo." may pagkindat pa.

"Mall po? Shopping?"

"Oo para makapasyal ka na rin."

Nahihiya akong napangiti. "Salamat po, momshie."


Marco:

"Lola? Sigurado po ba kayong kaya ninyong maglakad-lakad?" I asked her worriedly. We're here at the mall and we're with ate Chari to assist lola. Yeah, I must be happy because I won't be bored at home pero kasi mahina na si lola para mapagod sa pamamasyal.

She halted and turned to face me. Ang mga kamay niya ay pareho nang nakapatong sa kanyang tungkod. "Apo, kayang-kaya pa ito ng lola. And didn't I tell you sa labas tayo kakain ngayon?"

"Si1 lola but napalayo po yata tayo? May mga restaurant naman po near the subdivision, right?"

"Kagaya mo apo, nabuburo rin ako sa bahay. Akala mo ba hindi ko nararamdaman iyon?"

I pouted.

"See? Kaya halina." She moved a little then placed her hand on my left arm.

I didn't move. I'm really worried.

"Ayaw mo rin bang mamasyal kasama ako?" I could see disappointment all over her face.

"No, lola. I didn't mean that way. I'm just worried."

She then gave me a warm smile, a smile that I always wanted to see on her. "Malakas pa ako, apo. Trust me."

I sighed and smiled. I realized siguro sa kanya ko namana ang ganyang ugali. "Okay lola. Thanks for bringing me here." I smiled and patted her hand that was on my arm.


Rita:

Bago ang lahat, kumain muna kami ni momshie sa Jollibee. Tinanong niya kasi ako kung saan ko gusto kaya iyon ang sinabi ko. Hindi kami noon nakakakain sa mga ganitong kainan. Makakaipon nga ba naman kami sa pamamalimos at pagkakarpintero lamang ni tatay na ni sa isang araw hirap na kaming hagilapin ang maihahain sa hapag namin, ilan pa kaming magkakapatid. Sa ngayon, hindi na singhirap ng dati ang buhay namin dahil binigyan ng local na pamunuan ng trabaho sina nanay at tatay. Malaking tulong talaga iyong pag-viral ng litrato ko sa social media. Napabuntong-hinga ako sa mesa habang hinihintay si momshie na nakapila sa counter. Nami-miss ko na talaga sila. Di bale, balang araw magkakasama rin kaming kakain dito.

Without Warning (MARTA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon