Gabi noon. Inis na inis ka sa prof mo kasi hindi mo matapos-tapos yung assignment niyo.
"Bwiset naman oh! Bakit kasi ang haba!"
Naku. Kelangan mo pang i-edit ang gawa mo. Maarte at strict kasi yung prof mo kaya kelangang pulido ang gawa mo.
Malapit mo ng ibato ang laptop mo sa inis ng maramdaman mong nag vibrate ang cellphone mo.
From: Crush <3
Hi?
Yung inis mo biglang napalitan ng kilig. Paano niya nalaman ang number mo? Nako, kelangan mong magpakipot! Nagreply ka sa kanya na kunwari hindi mo siya kilala kahit na sa totoo naman eh saulong-saulo mo ang number niya. Sa sobrang kilig mo din eh madali mong natapos ang assignment niyo.
Maya-maya lang ay magkausap na kayo ng crush mo na itago natin sa pangalang Kuya Joh. Johansen kasi ang tunay niyang pangalan. Halos gumulong ka sa kilig nung malaman mong kilala ka pala niya.
Sobrang sarap sa feeling kaya nakalimutan mong kakabreak lang pala nila ng girlfriend niya.
Biglang napawi ang mga ngiti sa labi mo ng narealize mo yun. Pero dahil crush mo nga siya, aba take the advantage! Minsan ka lang mapansin sa school niyo eh. Hindi ka kasi maganda, hindi ka din matalino. edi nganga diba? Pero iba ngayon kasi napansin ka niya.
Napansin ka na ng crush mo for two years.
Hanggang sa nag goodnight na siya ay abot tenga pa din ang ngiti mo.
TO BE CONTINUED.
------------------
Hi, divided ang story into three parts :) Thanks sa pagbasa. :*