Crush 3.3

34 2 0
                                    

"Nagawa mo na ba?"

"Nasimulan ko na. Wag ka ng mag alala. Alam ko naman patay na patay sa akin yun kaya madali ko siyang mapapaikot."

Masyado kang nacurious kaya naman medyo binuksan mo ang pinto para sumilip. Chismosa ka kasi.

Pero dapat pala hindi mo na ginawa yun. Ang nakita mo kasing nag-uusap ay si Kuya Joh at Rianne. Akala ko ba break na sila? Ano to? Akala mo pa naman eh napansin ka na niya. Ang tagal mo na din kasing naghihintay. Lahat na ng pagpapapansin ay ginawa mo na sa loob ng dalawang taon. Pero wala.

"Siguraduhin mo lang na mapapaiyak mo si Nicole Ramos. Hindi kita babalikan hangga't hindi mo nagagawa ang kondisyon ko."

Siya ang bitch, naisip mo.

Please, say no, Kuya Joh. Kahit ngayon lang, sana pagbigyan ka niya.

Hindi ka naman mahirap mahalin.

Hindi mo naman siya sasaktan at kaya mo namang ibigay ang lahat.

"Oo, Rianne. Alam mo naman na kaya 'kong gawin ang lahat para sayo."

SHIT.

So, ayun pala ang plano? Kaya pala siya nagtext sayo kagabi. Ikaw pala ang kapalit ng kaligayahan niya. Ikaw pala ang kapalit ng babaeng mahal niya.

Bakit ikaw pa? Ang dami namang iba dian na may gusto din sa kanya, bakit ikaw pa ang kelangang paiyakin? Lokohin?

Hindi mo na napigilan ang mga traydor mong luha. Ang sakit pala nun, noh? Crush mo lang naman siya, pero bakit ganun?

Tagos sa kaibuturan ng puso mo ang sakit.

Ganito pala ang feeling. Ganito pala pag nagmahal ka. teka, mahal mo na pala siya? Congrats, ngayon mo lang narealize. Hindi pa man nagiging kayo, nakipagbreak na agad siya. Ni hindi ka man lang niya nabigyan ng chance na maiparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo.

Mas pinili niyang gamitin ka.

Sino ka ba kasi? Isang hamak na schoolmate niya lang.

Bakit ka ba kasi umasa? Bakit kasi siya pa nagustuhan mo? Madami namang iba dian na pwede mong magustuhan. Asa ka pa sa kanya.

Wala ng dahilan para makinig ka sa usapan nila kaya tumakbo ka na palayo. Nahihilam ka na sa sarili mong luha. Hindi mo na alam kung saan ka pupunta.

"Ito na ang huling beses na iiyak ako para sa mga lalaking kagaya mo, Kuya Joh."

END

Crush (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon