Kinabukasan ay maaga kang nagising. Ang sarap kasi ng tulog mo eh. Lahat ng yan gawa ni Kuya Joh. life saver mo talaga ang taong ito, naisip mo.
Habang kumakain ka ng almusal eh napansin ka pa ng kapatid mo na pangiti-ngiti.
"Ate, para kang tanga. Kumain ka na nga lang."
Babatukan mo na sana siya ng marealize mo na masyadong maganda ang araw mo para sirain lamang ng asungot mong kapatid.
"Papasok na nga ako!" Dali-dali kang lumabas ng bahay niyo para mainis ang kapatid mo. Ayaw kasi nun na iniiwan mo siya. Hah! Magdusa siya ngayon. Hahaha.
Habang naglalakad ka eh automatic na si Kuya Joh ang iniisip mo kaya naman nabunggo mo si..
"Look where you're going! Ugh, bitch!"
Si Rianne. Ang EX-girlfriend ng crush mo.
"Pugita ka! Maputi ka lang eh! Ano bang ipinagmamalaki mo?! Mas matangos pa din ilong ko sayo!"
Gusto mo sanang sabihin yan kaso wag na. Baka maturn off pa sayo ang crush mo dahil sa pang-aaway mo sa ex niya.
Nagpigil ka ng inis kaya naman dumiretso ka nalang sa classroom niyo at nakita mo ang bestfriend mo. Ikinuwento mo ang nangyari kagabi.
"Omg friend! Ang swerte mo naman!"
"Kaya nga! Hahaha! Naku, kilig na kilig nga ako kagabi eh."
Tumigil lang kayo sa pag-uusap noong nagsidatingan na ang mga kaklase at prof niyo.
Sinubukan mong makinig sa discussion niyo kaso wala, puro si Kuya Joh ang nasa isip mo. Nagkaroon kayo ng recitation, laking pasasalamat mo na hindi ka tinawag kasi wala ka namang isasagot.
Lumipas ang lunch break at vacant mo pero lutang ka pa din. Iba talaga ang epekto sayo ni Kuya Joh. Sabi sayo ng otor nito baliw ka na daw.
Hanggang sa ito na nga, uwian niyo na. Naisipan mong dumaan sa Engineering department dahil baka maabutan mo pa si Kuya Joh. Sabay kasi ang oras ng awas niyo kaya lang medyo malayo ang department niya sa inyo.
Nag-ikot-ikot ka pa hanggang sa nakaramdam ka ng tawag ni mother nature. Sakto naman na nasa tapat ka na ng comfort room. Papasok ka na sana ng may narinig kang nag uusap.
TO BE CONTINUED.