Chapter 8. Out in the Woods

29 0 0
                                    

Ang lamig. Nanginginig ang katawan ko sa lamig. Sobrang dilim. Bakit madilim?

"Mama, Papa." Iyak ko.

Ayoko na dito. Palabasin niyo na po ako. Muling sinubukang itulak ng maliliit kong kamay ang pintuan. Ngunit walang nagawa ang katawan kong maliit at nanghihina na. Hindi ko na rin maramdaman ang aking katawan sa lamig. Sobran dilim din ng paligid. Ayoko sa madilim.

Unti-unti na akong nawawalan ng malay. Wala na rin akong lakas para umiyak dahil sa kakasigaw ko kanina.

Gamit ang natitira kong boses, humiling ako.

"Iligtas niyo po ako."

Parang isang mahika, bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang anghel. Hinubad nito ang parka na suot at saka ibinalot sa akin. Saka nito ako kinuha at kinarga.

"Shhhh. You'll be fine." Wika nito.

Tumingin ako sa mukha nito ngunit hindi ko ito makitang mabuti. Isa lamang ang napansin ko sa anghel na nagligtas sa akin.

Pulang mata.

Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal na inilibot ko ang aking paningin. Kusang kumilos ang aking lamay upang kunin ang aking kwintas sa bedside table. I clutched it to my chest, the cold metal being almost comforting to me.

For some reason, the dreams started again.

Napahinga ako ng malalim at saka tumingin sa orasan. Alas-sinko palang ng madaling araw at madilim pa ang langit pero sa tingin hindi na ako makakatulog ulit. Bumangon ako at nagsimulang magtimpla ng kape, saka binuksan ang bintana at naupo sa tabi nito.

The twilight sky is kind of comforting. Dahil puro puno lang ang nasa labas ng bintana ko ay mas sariwa ang hangin.

Napaisip ako kung bakit nagsisumula na naman akong managinip ng mga ganoong bagay. I thought they stopped already when I was in highschool, I even had to take medications for it. Yet for some reason, they started again.

Lumanghap ako ng sariwang hangin at saka sumandal sa may bintana. I closed my eyes.

I was startled by a sudden thud in my window. Pagkabukas ko ng aking mata ay isang itim na pusa ang bumungad sa akin.

Its familiar blue and green eyes greeted me. Napangiti ako at saka hinimas ang ulo nito.

"Ang aga aga, anong ginagawa mo dito?" I said while patting it. "Sandali lang ha."

Tumayo ako at saka kumuha ng tasa sa kusina, saka ito nilagyan ng freshmilk. Pagbalik ko sa may bintana ay nandun pa rin ang pusa at matiyagang naghihintay. Inilagay ko ang freshmilk sa harapan nito saka naupo uli.

"Alam mo, lagi kang nandito pero di ko alam ang itatawag sayo."

Hindi ako nito pinansin at tinitigan lamang nito ang freshmilk na nilagay ko sa harapan niya.

"Ayaw mo? Hmm. Ano kaya kung Kuro na lang ang itawag ko sayo. It means black in Japanese. What do you think?" Patuloy ko na kausap dito. In response, it just blinked its two different colored eyes on me. I decided na Kuro na lang ang itatawag ko sa kanya. Unconciously, I started playing with my necklace.

Kuro's ears twitched curiously on what Im doing. "Hm? Gusto mo makita?" Hinubad ko ang kwintas at saka inilagay sa harapan nito. The cat became interested in the necklace and started playing with it.

Bigla nitong kinagat ang kwintas, bago ko pa man ito makuha ay tumalon ito palipat sa sanga ng puno na malapit sa bintana.

"Sandali!" Sigaw ko pero tuloy tuloy na bumaba ng puno si Kuro. Agad agad akong lumabas para hanapin ang pusa.

Vampire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon