Chapter 5. Face of an Angel

44 2 1
                                    

The next days passed in a blur. Sinubukan kong iwasan si Renze sa kahit na anong paraan, hindi ko lang siya magawang iwasan tuwing Humanities dahil magkaklase kami. Kapag nasa klase ay hindi ko siya pinapansin, nakapagtataka dahil hindi rin niya ako ginugulo, naisip ko tuloy na baka imahinasyon ko lang ang lahat ng sinabi niya.

I almost convinced myself that I imagined our encounter if weren't for Renze too. Minsan ko siyang nakita sa hallway habang papunta ako sa library. He was with the guy with the brown hair. As if he sensed me, lumingon siya sa kinalakagyan ko.

My heart suddenly decided to beat faster, my steps faltered. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko magawang umiwas ng tingin. Then upon seeing me, Renze smirked. Saka ko nakumbinsi ang sarili ko na nangyari talaga ang paguusap naming iyon. That's an enough reason for me to turn back on the opposite direction to avoid him.

For the love of my life, I cannot understand Renze's fascination on someone as plain as me. Kumpara sa ibang babae sa school at sa klase namin, wala akong laban sa kanila.

Lumipas pa ang ilang araw na iniiwasan ko si Renze. Nagpapasalamat ako na kaklase ko rin pala si Quentin sa iba kong subject, kahit na kakakilala pa lang namin sa isa't isa ay palagay na ang loob ko sa kanya, ganoon na rin si Zyprincess. Alam nila parehas ang ginagawa kong pagiwas sa grupo ni Renze, kaya naman sinisigurado nilang hinsi ako maiiwang magisa, kapag wala si Zyprincess, si Quen ang kasama ko. This is enough for me to be embarrassed. Am I that fragile na kailangan ko ng bantay?

Ang mabuti na lang ay tila hindi big deal kay Quen ang ginagawa ko. For some reason, alam niya na nabababawan ako sa sarili ko.

"Ria, I dont see what's wrong in staying away from them. Kung nararamdaman mong kailangan mo silang layuan, then do it. Instinct mo yan, anong magagawa mo? But personally, mukha hindi ka naman nila pinapansin. I dont think you need to hide to avoid them." Pagaalo sakin ni Quen ng mabanggit ko ang nasa isip ko.

Tumango na lang ako at saka Tinusok-tusok ang Lasagna na kinakain ko. Nasa cafeteria kaming dalawa, wala si Zyprincess dahil may club activities siya since player siya ng Arnis.

Inikot ko ng tingin ang cafeteria at saka napaisip.

"Quen?"

"Hmm?"

"Napansin ko lang ata, magtatatlong linggo na ako dito sa Stavros University, pero never ko pang nakita si Renze at ang mga kasama niya dito sa cafeteria kahit kailan." Tanong ko.

Nilunok muna niya ang kinakaing pizza at saka sumagot sa akin.

"The notorious Stavros family do not eat in this lowly cafeteria." Sagot ni Quentin habang pinipilit na magkaroon ng british accent.

Natawa ako sa poor imitation niya, then saka ko lang napansin kung anong sinabi niya.

"Stavros? As in the 'Stavros' in Stavros University?"

Quentin looked at me weirdly. "Yeah. Hindi mo ba alam? Pagmamay-ari nila Renze ang school na ito. Kapatid siya ni Mr. Stavros na prof natin sa Humanities."

Suddenly, everything made sense. Kaya pala hindi kami sinisita ni Mr. Stavros sa klase niya kahit na halatang hindi kami nakikinig. Pati na rin ang reaksyon ng ibang professor sa kanila. How can they say no to the owners of the university?

"Kaya pala may pagkakahawig sila. Does it mean na kapatid din nila yung iba na laging kasama ni Renze?" Tanong ko.

"Nope." Quentin said. "Si Renze lang at si Mr. Stavros ang magkapatid. Yung iba, its either pinsan niya o kaibigan ng pamilya nila. But anyway, as long as you dont get in their bad side, you'll be fine. Bihira silang makihalubilo sa mga tao, so I doubt that you'll be seeing them that much."

Vampire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon