Unang entry: #tiwala

111 6 5
                                    


Magkaiba!
Oo, magkaiba
Magkaiba ang ugali nating dalawa.
Magka-iba ang gusto at ayaw sa mundo.
Ngunit hindi maiiwasang minsa'y may nais na pareho.

Isang hapon ng Agosto
Natanggap ko ang unang mensahe mo
Kailangan mo pala ito kaya malakas ang loob mo.
Malakas ang loob mong utusan ako.

Hindi ako nagalit o kaya'y nagtampo
Masaya ako dahil ako ang pinili mo.
Pinili mong utusan at pakiusapan
Pakiusapang ihatid ang mensahe ng pagbati.
Pagbati sa kaibigan kong may kaarawan.

Doon nagsimula
Doon nagsimula ang ating pagkakaibigan.
Araw at gabi tayong nagkukumustahan.
Nagkukumustahan lamang tayo sa loob ng ilang buwan.
Ilang buwang parang walang saysay
Napuno lang ito ng pagbati; kumusta at "hi"

Sadya ngang may mga taong kaytagal magtiwala.
Kung ang naging karanasa'y sinirang pagtitiwala.
Ngunit pasasaan ba't darating din tayo.
Darating sa punto na ikaw ay magkukwento.

Hindi isang kwentong nilikha at tinagni ng mga isip na mapagkunwari.
Ito'y totohanang nangyari't dinanas kaya pala ika'y sadyang umiiwas.
Umiiwas sa tanong na ano at bakit?
Bakit ka umiiwas at ano ang iyong sinapit?

Hindi naglaon karanasan mo'y isiniwalat,
Isiniwalat mo ang iyong dinanas
Dinanas mo sa kamay ng mga taong walang awa
Walang awang manira ng isipan ng munting bata

Mga pagbabanta ay iyong kinatakutan sa halip na harapin ay iniwasan
Iniwasan hindi dahil sa takot kang lumaban
Iniwasan mo ito para sa kapatid at magulang.

Pinilit mong magtiwala at sa kanila'y nakiayon
Nakiayon sa mga gawaing hindi tama't naaayon
Nakasanayan mo rin sila sa paglipas ng panahon
At nagkabuklod ang paniniwala ninyo at opinyon.

Ninais mong lumayo sa kanilang mga bisig
Ngunit parang bakal itong sa iyo'y kumakapit
Pinigil ang iyong paglisan at pagtahak sa matuwid
Salamat sa kaibigan mong tapat na nagmamasid

Malaya ka na!
Oo, tama ka
Ngunit sadyang may taong maitim ang budhi
Hindi nya matanggap ng sya ay magapi
Pilit kang guguluhin at hindi patatahimikin
Kahit alam nyang mali ang kanyang hangarin.

Kalimutan mo nalang mga naging karanasan.
Ang nakalipas ay isiping magandang karanasan.
Karanasang magpapaalala na ika'y naging palaban.
Palaban ka't hanggang ngayo'y malayang naglalayag.

Salamat at nakilala kita't nakausap sa malayuan
Halos magkapatid na ang turingan.
Nadarama ko rin ang iyong pagnanasa
Na sana'y mapawi lahat ng pangamba
At gumising kinabukasan na puno ng pag-asa.
Wala nang bangungot na gumagambala.

•••

Vote and comment!!!!
Tandaan iba ang malaya sa maylaya
At iba ang thanks sa thank you!
so,
Salamat ^_^*

Hashtag Tula|#wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon