Ikatlong entry: #nakasanayan

60 5 0
                                    

Ikaw ay nasanay na mag-isa
Mag-isang hindi tulad ng iyong inaakala
Mayroon kang kaibigang araw-araw ay nakikita,
Nakikita mo sila ngunit hindi nadarama.

Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon,
May isang dumating, huminto't namahinga,
Namahinga sa'yong piling pagka't doo'y palagay sya.

Tanging alam mo lang  ay kanyang pangalan
Ngunit iyo agad syang pinagkatiwalaan.
Hindi lumaon ay kanyang sinabi ang kanyang tirahan,
Uri ng trabahong kanyang pinagkakakitaan.

Mga problema nya'y inihihinga sa'yo
Pagka't ikaw lang ang nakadarama nito.
Pinilit mong punasin mga luhang sa mukha nya'y tumutulo
At pinalalakas mo sya sa kabila ng pagsamo

Hindi lahat ng pangyayari ay aayon sa iyo,
Sadyang nagbabago rin ang bawat pagkatao.
Dumating ang puntong ayaw ka nyang masaktan,
Kaya't pinipilit ka nyang sya ay layuan.

Kaibigan kang tunay nang ika'y makilala
Gusto mo itong patunayan hangga't nabubuhay ka pa.
Hindi ka bumitiw sa inyong dalawa.
Sa pagitan ng pamamaalam nya't pagpigil mo,
Nanaig pa rin ang makabubuti sa inyo,
Hindi ka bumitiw kaya't ikaw ang nanalo.

Bagong kabanata ngayon ang kanyang binubuo,
Nalimot nya na ang kanyang problema, hindi na rin sya tulad ng iyong nakilala.
Masaya na siya't naririnig mo bawat nyang halakhak.
Halakhak na ang dahilan ay hindi na ikaw.

Bakit nagkagayon? Tanong sa'yong sarili
Nagtatampo ka na dahil minsan nalang sya bumati,
Sa tingin mo'y masaya na sya sa mga bagong naghahatid ng ngiti.
At sinasabi mo pang siguro'y lilingunin nya akong muli
Lilingunin nya ako pag-iniiyakan nya na bawat nilang pagngiti.

Huwag ka sanang maging makasarili,
Matuto kang makiayon sa kanyang bagong mundo
Pagka't ikaw ang dahilan sa pagbabago nito
Ikaw ang nagnais na sya ay sumaya.
Ngunit bakit ngayon ay nalulungkot ka?

•••

Minsan, may mga kaibigan tayong nakakapalagayan ng loob at sa kanya natin sinasabi ang ating mga problema. Nasasanay tayo na ako, ako, ako, ako ang iyong kinakausap, ikaw ang aking pinapasaya, ikaw ang lagi kong nakakausap tayo, tayo lang dalawa. Hindi lang kayong dalawa ang mga tao. Makakahanap at makakatagpo siya at ikaw ng mga bagong kakilala at makakapalagayan ng loob nagkataong sya ang nauna. Masaya sya sa bagong nakilala. Maging positibo ang iyong pananaw, asahan mong ikaw at siya, kayo, kayong dalawa parin ang magdadamayan. :) :-*

Hashtag Tula|#wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon