Ikaapat na entry: #socialmedia

26 0 0
                                    

Social Media
Ito ay ang teknolohiya
Teknolohiyang naghahatid ng mga impormasyon,
Mga ideya at pagkakatulad ng mga bagay bagay
Mga katanungan mo'y madalas kanyang ibinibigay.

Sa ating paggamit ng teknolohiya nagdudulot ito ng masama at magandang bunga.
Bungang pinagmulan ng sanhing ginawa.
Limitasyon ang kailangan ng bawat isa,
Disiplina sa sarili, isaisip twina.

Kung si Nena'y matutulog ng bandang ala-una,
Sa kagagamit ng sinasabing social media
Tiyak na di magtatagal papalahaw ang kanyang ina.
Twitter, facebook, Instagram, Tumblr at iba pa,
Gamitin ng tama at may disiplina.

Huwag mong idahilan na peymus ka!
Dahil baka isang araw ikaw ang mabiktima,
Mata't daliri mo ang ipinupuhunan, kadudut-dut sa selpong mong iyan!
Hoy baka iyong nakalilimutan, may pasok ka pa kinabukasan!

Huwag mong husgahan ang oras ng pag-update ko,
Hindi mo pa alam ang aking kwento
Halika't makinig, sisimulan ko,
Natulog ako ng alas-singko y medya kaya ako'y nagising ng pagka-aga aga.
Nagpabiling-biling sa aking higaan,
Hindi nakatulog kaya aking napagpasyahan na magbigay ng payo,
Payo'ng kaibigan na kung mamasamain mo'y walang makakamtan at kung tatanggapi'y pakiramda'y gagaan.

^____^)/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hashtag Tula|#wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon