chapter 14

196 12 2
                                    

Medyo madilim na ng makarating kami kila brendon dahil sa traffic.

Pagbaba namin ng sasakyan sakto ding kakababa din nila amber at brendon.

Di sila nag-iimikan na dalawa tapos parang hindi pa sila makatingin ng derestso sa isat-isa.

Hahaha!

Siguro dahil yun dun sa sinabi ko kanina kaya ganyan sila kung kumilos ngayon.

"milagro ata ang tahimik nila ngayon?" sabi ni denz

"miracle really do exist..." komento din ni gescelle

"haha oo nga, hayaan na lang muna natin sila para naman wala munang ingay kahit ngayon lang." sabi ni maricar

Talagang nakakapanibago na di sila nag-aaway ngayon...

Eh halos ata minu-minuto nag-aaway ang dalawang yan eh...

Pinapasok na kami ni brendon sa loob, infairness ha ang laki ng bahay nila.

Dumeretso kami sa may pool, ang daming tao!

Tapos ang ingay-ingay pa...

Di ako sanay sa mga ganito, first time ko pa kayang dumalo sa mga party.

Wala naman kasi akong hilig sa mga ganito saka isa pa wala pa naman akong mga kaibigan noon.

"bunso!" napalingon kami sa tumawag

"sabing wag mo kong tawagin ng ganyan ate eh!" pag-angal pa ni brendon

Ito pala ang ate niya...

Ang ganda niya naman, para siyang model tapos ang puti-puti niya pa.

"baki ba? Saka bunso ka naman talaga naman eh!" sabi ng ate niya saka ngumiti ng nakakaloko

"hahaha! Ang laki-laki mo na pero para ka paring bata! Wahaha!" napatingin si brendon at ang ate niya kay amber

Hayss, bumalik na naman sa dati ang babaeng ito.

(-_-)

Sinamaan siya ng tingin ni brendon

Magsisimula na naman ang away ng dalawang yan

"bakit? Porket tinawag na bunso bata agad?" sigaw ni brendon kay amber

At ayan na nga.... Simula na naman ang world war III

"eh ang laki mong tao tapos kung tawagin ka para kang nasa kindergarten, pfft!" sabi din ni amber

Tumawa naman siya ng nagpagka lakas-lakas

Nakita kong napangiti yung ate ni brendon kay amber....

Close kaya sila?

"hay naku amber hayan ka na naman..." sabi nung ate ni brendon

Tumigil naman sa pagtawa si amber pero halata paring nagpipigil siya.

Ms. Nerd & Mr. Popular Are Bestfriends?Where stories live. Discover now