chapter 2

248 16 0
                                    

A/N:

Thank you nga pala kay Brendon cazer trinos (oh yan moy, ini-mention na kita ah. Bayad nako sau haha lol) kasi pinagbigyan niya ko na gawan ako ng book cover kahit labag sa kalooban niya. Sarey kung kinulit talaga kita ng bonggang-bongga, during class hours ka pa talaga gumawa... Buti di nahuli ni ma'am, kasi pag nagkataon...lagot!

By the way, hope you enjoy this chap.

-----------------------

"chapter 2"

Hayy. Grabe kapagod ang araw na to ah... Kainis talaga pag may p.e. ayaw na ayaw ko talaga sa mga sports. At ang isa sa kinaiinisan ko dun ay maraming nanunuod na mga studyante...

Sobrang nakakahiya, ayaw na ayaw ko talaga maging center of attention.

Buti sana pinupuri ka, eh nilalait lang nila ako.

Kesyo ang panget daw ng katawan ko, wala daw akong curves

Kesyo kahit nakapam p.e. uniform ako nerd na nerd parin daw ang dating ko

Eh paki ba nila? Sus! Makapanglait kala mo naman kung sinong perfect!

Napatitig ako sa ceiling ko.
Kung di kaya ako isang nerd, may chance ba na magkagusto rin sakin si Ice?

*iling-iling*

No, kung magugustuhan man niya ako, gusto kong magustuhan niya ko bilang ako. Di yung magugustuhan niya ko dahil lang maganda ako. Di naman kasi true love yun kapag ganun, pag-aadmire lang...

How i wish ako nalang ang minahal ni Ice at hindi si allyson.

*bling*

From: Moy Ice <3

Moy, kumain ka na ah, delikado kapag nagutom ka, baka mabaliw ka tapos ipapadala ka sa mental ng mama mo tas madi-depress ka pagkatapos mag-bibigti ka. Naku!

Ma-mimiss talaga kita pag nangyari yun. XD

(received) 7:30 pm

Tss. Nang-asar pa eh no? Halata namang nagki-care lang naman siya.

Ganyan kami, lahat ng oras nag-aasaran pero hindi humahantong sa away, kumbaga parang bonding lang namin yun.

Ganyan talaga ang result kapag pinagsama ang dalawang baliw.
Kasi kahit na magkaibang-magkaiba ang estado namin sa buhay, ganun din ang pinagkapareho ng mga ugali at hilig namin...kumbaga magkasundo kami sa lahat ng bagay..

Hmmm, maasar nga rin ang 'sang 'to hehehe

To: Moy Ice <3

Kung mapapamental man din ako, isasama na kita para kapag ma depress ako ikaw mapagbuntunan ko at talagang ito-torture kita ng bonggang-bongga :D

Ms. Nerd & Mr. Popular Are Bestfriends?Where stories live. Discover now