chapter 4

219 14 1
                                    

"chapter 4"

Pagkatapos ng nangyaring yun, palagi na kong sinasamahan ni Ice...

Tinanong niya ko kung ano ang dahilan kung bakit ako umiiyak nung mga time na yun, pero di ko sinabi sa kanya.

Di na rin niya ko kinulit, kaya thankful ako.

Kapag sinumbong ko kasi sila sasabihin din nila chelsea na may gusto ako kay Ice

"moy, nung isang araw nga pala pasensya na kung wala ako sa garden nun. May biglang emergency kasi kaya napilitan akong umalis na lang."

Emergency?

Tss. Sinungaling

Natuto ka nang mag sikreto sakin Ice dahil sa allyson na yan?

Nakakainis ka! Bestfriend mo parin ba talaga ako?

"ah ganun ba. Okay lang, sanay na din naman ako dun."
Sabi ko tas yumuko...

"sorry talaga moy... Ahhmmm syanga pala pwede bang di muna kita sasamahan mag lunch ngayon?" sabi niya

"h-huh? Bakit?" tanong ko

"uhmm... A-ano kasi eh... May gagawin ako mamaya." nauutal na sagot naman niya

"ano naman?" tanong ko uli

Sige magtanong ka lang ika..

Hahahah! Makulit ako eh

"ahhhh... A-ano.... P-project! Tama! M-may tatapusin pa akong project" sagot naman niya

Napakasinungaling talaga nito.

Ano? Pagmumukhain niya lang akong tanga?

"wala naman tayong project ah?" pang-uusisa ko pa

"basta moy, daig mo pa soco makapag tanong ah hahahahah!"

Tumawa pa ang mokong.

Bwesit siya! Di man lang ba niya naisip na baka mangyari na naman sa 'kin ang nangyari nung isang araw?

Hinayaan ko lang siyang tumawa ng tumawa.

Nung napansin niyang naka tingin lang ako sa kanya, tumigil siya sa pagtawa.

"moy naman, wag ka ng magtampo please? Pangako babawi talaga ako sayo." sabi niya at inangat pa ang mukha ko

Bat ganun moy? Pakiramdam ko di na 'ko importante sayo

Di na lang ako nagsalita pa.
Alam ko namang wala din akong magagawa pa

"Ice!"

Napalingon kami sa tumawag...

S-si allyson

Sabi ko na nga ba...
Ano yun? Lahat ng ginawang panloloko sa kanya ni ally kinalimutan na niya lahat?

"sige moy ah, alis na 'ko. Magkita na lang tayo mamaya. Bye" sabi niya saka lumapit na kay ally.

Ms. Nerd & Mr. Popular Are Bestfriends?Where stories live. Discover now