chapter 13

187 15 3
                                    

Habang naglalakad kami sa hallway papuntang parking lot biglang isinukbit ni amber ang kamay niya sa braso ko.

Jusko! Aatakihin ata ako sa puso dahil sa pagiging clingy ng babaeng 'to!

"ano ka ba naman amber wag mo ngang bigla-biglang isinusukbit yang kamay mo sa kin, nakakagulat tuloy!" inis kong sabi sa kanya

"ay! Hehehe sorry naman po." pagpapaumanhin niya habang naka-peace sign pa.

"asan nga pala si Ice?" tanong ko

"ayun sa likod nakasunod lang." sagot niya naman

Lumingon ako sa likod at nandun nga siya nakasunod lang

Akala ko kasi nawala siya andun, lang pala

"uyyy hinahanap! ikaw ika ah, narinig ko yung conversation niyo ni Ice kanina." sabi niya saka tinusok ang tagiliran ko.

Naku naman, nakinig talaga siya sa usapan namin ni Ice kanina?

And don't tell me napansin din niya na may something dun sa pag-uusap namin?

Di ko inakala yun ah, hindi rin pala ganun ka shunga ang babaeng 'to kesa sa inaakala ko.

"something ka dyan kung ano-ano yang pinag-iisip mo eh noh?" pagmamamaang-mangan ko

"sus! Ako pa niloko mo eh halata namang may iba pang meaning yun, di lang pansin sa una pero sa tono ng mga boses niyo halata naman eh!" sabi niya pa

Aba! Observant din pala ang babaeng to ah?

"whatever amber, ikaw lang ang nagbibigay ng meaning nun kaya tumigil ka na." nagpatiuna na 'kong mag-lakad sa kaniya para di na niya ko daldalin.

Hello? Ice at the back!

Ang lakas-lakas pa ng boses niya baka marinig ni Ice, nakakahiya kaya!

Pero pag minamalas ka nga naman oh, ayaw parin akong tigilan ni amber.

Humabol siya sa kin at sumabay uli sa paglalakad

"ikaw ika ah masyado na kitang napaghahalataan. Tell me, may crush ka kay Ice noh?" bigla kong tinakpan ang bibig niya

Bat ba ang ingay-ingay ng babaeng 'to?!

Nakalunok ba 'to ng megaphone nung bata pa?

"ano ka ba amber, tumahimik ka nga." galit kong sabi sa kanya pero mahina lang

"so totoo nga?" tanong niya habang nakangisi ng nakakaloko sakin.

"of course not! Why would i? Bestfriend lang ang turing ko sa kanya that's it!" naku lord napapadalas na ang pagsisinungaling ko sana mapatawad niyo ko! Huhuhu

Ms. Nerd & Mr. Popular Are Bestfriends?Where stories live. Discover now