Okay, Ito na! This is it! Palapit na yung mukha niya sa mukha ko, hahalikan niya na ako kaya't pinikit ko na yung mga mata ko at at at...
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
Nagising nalang ako bigla dahil sa ingay ng alarm clock ko.
"Kainis! Chance ko na yun eh! mahahalikan ko na si James Reid! Kainis!" Kaya't bumangon ako at itinapon ko yung alarm clock ko at bumalik sa kama at humiga ulit. Ipinikit ko ulit yung mga mata ko dahil nagbabakasakaling matapos ko yung panaginip ko. Ngunit nagising ulit ako dahil tinawag ako ni mama
"Bellaaaa!" analakas ng pagtawag ni mama sakin mukhang galit kaya bumangon ako agad at inayos ko yung higaan ko at saktong pagbukas ni mama ng pinto ay naayos ko na ang higaan ko.
"Oh, ba't hindi kapa naliligo? First day mo ngayon diba?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni mama. Oo nga pala, pasokan na pala ngayon nakalimutan ko kaya't agad agad akong pumunta sa banyo at naligo hindi ko na nasagot ang tanong ni mama dahil dumiretso na agad ako sa banyo. Habang naliligo ako ay may sinabi si mama.
"Anak! Hinanda ko na ang almusal niyo ng kuya mo nandito na sa mesa pati narin yung baon niyo naihanda ko na. Punta muna ako don sa ninang mo." sabi ng mama ko.
"Okay po ma." sagot ko. Ang swerte ko talaga sa mama ko. Kahit na madalas akong pagalitan ni mama dahil pasaway ako ay alam kong mahal na mahal niya ako. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at dumiretso na sa kusina. Nakita ko don si kuya kumakain.
"Good morning brother!" sabi ko. Tinignan niya lang ako at tinapos niya yung kinakain niya.
"Tapos kana?" tanong ko sa kanya.
"Obvious ba?" Hay nako! kahit kailan napaka pilosopo talaga ng kuya ko.
"Alis na ako bell. Late na kasi ako sa trabaho ko. Pakisabi nalang kay mama na una na ako." sabi ni kuya.
"Sige kuya, ingat!" sabi ko sakanya. Habang kumakain ako ay iniisip ko parin yung panaginip ko. Nawala ako sa sarili ko sa mga sandaling yon pero naputol yun dahil may nagsalita.
"Oh nasan kuya mo?" tanong ni mama.
"Ma sabi ni kuya na uuna na daw siya kasi late na daw siya sa trabaho niya." sabi ko kay mama.
"Ahh ganon ba. Sige bilisan mo na ang pagkain ng almusal mo at baka malate kapa first day niyo pa naman ngayon." Binilisan ko ang pagkain ko at pagkatapos ay nagpaalam na ako kay mama.
"Ma alis na ho ako. Bye po." sabay beso ko kay mama. Paglabas ko ng bahay ay pumara na ako ng jeep.
Sa wakas at nandito na ako. Pumasok agad ako sa school namin at hinanap ko yung pangalan ko sa sa bulletin board kung saan yung section ko at yun nahanap ko na kaya't dumiretso na ako sa classroom ko. At dun, nakita ko si Jenny yung kaklase slash bestfriend ko nung grade 8 pa ako. Kaya don lumapit ako sa kanya.
"Jen!" nagulat siya nang may tumawag sa kanya kaya't napalingon siya sakin.
"Bella!!!" tuwang tuwa siya nang makita ako at lumapit siya bigla sakin at niyakap niya ako. Parang di na nga ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sakin.
"Teka teka Jen, hindi ako makahinga." sabi ko kaya binitiwan niya na ako.
"Ayy sorry bell hahaha. Hali ka dito ka tabi tayo." sabi niya.
"Sige." sagot ko sakanya. Habang kami ay nakaupo na ay hindi ko napigilang mapalingon sa mga bago kong kaklase.
"Ang gwapo niya noh?" sabi ni Jenny.
"Huh? Sino? Si James Reid?" sabi ko. Binatokan niya ako kaya napa aray ako sa ginawa niya.
"Ay sorry Bell. Ikaw kasi." sabi niya. Wow ako pa talaga ah?
"Yun kasi oh yung kaklase nating tisoy sa likod." sabay turo niya sa kaklase naming tisoy.
"Oh tapos?" tanong ko.
"Ang gwapo niya noh? Crush ko na siya." sabi niya kaya tumalikod ako at tinignan ang kaklase naming tisoy.
"Gwapo?! Yan?!" sabay turo ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil tumingin sakin yung lalaki kaya humarap agad ako sa harapan ko at saktong pumasok ang adviser namin.
"Lagot ka." bulong ni Jenny sakin at tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Okay, Good Morning class. I'm Margelyn O. Dela Cruz and I will be your adviser for the whole school year. But before we start our discussion. I want you you all to introduce yourselves first. Okay let's start with you." Nagulat ako dahil ako yung unang tinuro ni ma'am. Hindi ko maalis yung kaba ko kasi first day pa.
"Good morning everyone. My name is Bella B. Ong, I'm 15 years old. I'm the daughter of Doreen and Zardo Ong. I have an older brother and his name is Brian Ong. I'm really glad that I belong to this class and I'm looking forward to get to know you all." pagkatapos ko mag introduce ay umupo na ako at dun sumunod si Jenny sa pagpapakilala.
"Good morning guys! I'm Jenny Jane P. Semorio. Fifteen years of age and I'm the daughter of Juliet and Daryl Semorio. I have an older sister and her name is Jessa Jean Semorio. Looking forward to get to know y'all." sabay ngiti niya sa kanila.
"Ginaya mo lang yung sinabi ko eh." bulong ko sa kanya.
"Lol para kang sira." sabi niya.
"Joke lang." sabi ko naman. Pagkatapos mag introduce ng iba ay huli namang nag introduce yung kaklase naming tisoy.
"Good morning. My name is Ken Marc U. Capili. I'm 16 years old." Pagkatapos niyang mag introduce ay umupo agad siya. Ay pabitin din tong lalaking to akala mo sinong gwapo. Bad boy nga naman yung itsura akala mo kung sinong gwapo. Tss.
"Ang gwapo niya talaga" sabi ni Jenny sakin.
"Lol." sagot ko sakanya. Pagkatapos mag introduce ng lahat ay isa-isang diniscuss ni ma'am ang mga rules niya kaya nakikinig ang lahat sakanya. Ilang oras ang dumaan ay sa wakas natapos na yung klase namin. Paglabas namin ng school gate ni Jenny ay nagpaalam na siya bigla.
"Bella una na akong uuwi ha kasi hinihintay na ako ni mom, Sige bye!" sabay beso ni Jenny sakin at umuwi na siya kaya umuwi narin ako. Pagdating ko sa bahay ay nagmano ako kay mama at papa pagkatapos ay agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama tsaka kinuha ko yung phone ko at nag facebook. At habang nag sco-scroll ako sa newsfeed ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
*****************
A/N: Hi Readers! I decided to change the story because wala lang trip ko lang hahaha. Sana magustuhan niyo! Stay tuned for the next chapter! Thanks for reading :) Lovelots!
YOU ARE READING
My Soulhate, My Soulmate?!
Teen FictionSOULHATE mo tapos naging SOULMATE mo? Yung totoo? Pinagloloko niyo ba ako?