Kakagising ko lang at parang ayaw kong pumasok sa klase dahil ayaw kong makita yung pagmumukha ng kaklase kong tisoy at ayokong gawin yung kondisyon niya. Pero napaisip ako bigla na marami pa akong pangarap kaya hindi ako mag-aabsent. Baka isipin rin ng mokong na yun na may gusto ako sa kanya na umabsent ako dahil ayokong makatabi siya dahil may nararamdaman ako sa kanya. Tss.
"Kadiri ka Bella. Jusko! Ano ba 'tong naiisip ko. Erase erase. Kaloka!" sabi ko habang humiga ulit sa kama tsaka bumangon ulit. Pumunta nalang ako sa banyo at naligo na tsaka pagkatapos ay nagbihis na ng damit. Pumunta agad ako sa kusina para mag almusal at nandon sila mama, papa at kuya na masayang nagkwekwentuhan habang kumakain.
"Parang ako nalang yata yung kulang ah." sabi ko sa kanilang tatlo.
"Oh anak. Umupo kana at sumabay kanang mag almusal samin." sabi ni mama kaya agad na umupo ako at nagdasal tsaka kumain.
"Wow! Ansarap po ng luto mo ma!" sabi ko kay mama habang nginunguya ko yung pagkain sa bibig ko.
"Don't talk if your mouth is full uy!" sabi ni kuya kaya nilunok ko na yung kinakain ko.
"Sorry po." sabi ko sa kanila at nagtawanan lamang silang tatlo. Grabe tinawanan lang ako.
"Okay lang anak. Manang mana ka talaga sa tatay mo. Medyo pasaway rin. Hahahaha." sabi pa ni mama.
"Pasaway ka jan. Ambait ko kuya." sabi naman ni papa. Ang cute lang nilang tignan dalawa kasi parang mga teenagers lang sila na nagtutuksuan.
"Oh tigil na at nilalanggam na oh." pambasag ni kuya kina mama at papa. Kahit kailan talaga epal tong si kuya. Palibhasa kasi nasa ibang bansa yung girlfriend niya, naiinggit lang siguro kina mama at papa. Hahahaha.
"Ma? Pa? alis na po ako." sabi ni kuya kina mama at papa.
"Teka kuya! Sasabay na ako sayo." Kaya agad na akong nagpaalam kina mama at papa.
"Bye ma. Bye pa." Pagkatapos nun ay nagbeso na ako sa kanila at sumama kay kuya palabas ng bahay.
Habang naghihintay kami ng jeep ni kuya ay hindi ko maiwasang magtanong sa kanya.
"Kuya? Miss mo na siya noh?" tanong ko sa kanya.
"Sino?" tanong niya.
"Sus! Kunwari kapa eh!" sabi ko sa kanya kaya natawa nalang siya.
"Syempre, oo. Almost 2 years narin kasi kaming hindi nagkikita." kwento pa ni kuya. Ramdam ko yung lungkot sa boses ni kuya. Sobrang miss na miss niya na talaga si Ate Brenda.
"Okay lang yan kuya, magkikita rin kayo ulit. Tiwala lang." sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya at ginulo yung buhok ko.
"Sige na. Sumakay kana. May jeep na oh. Mag-iingat ka bunso." sabay ngiti ni kuya at nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na sa jeep.
Ansaya ko ngayon araw na ito! Hindi ko maalis yung ngiti ko dahil ang bait ni kuya sakin ngayon. Hanggang umabot na ako sa school namin ay nakangiti parin ako na parang baliw pero pagdating ko ng classroom namin ay napalitan agad yung saya ko ng inis dahil sa bumungad sakin sa pinto ng classroom namin.
"Hoy babaeng mukhang tae. Wag mong kalimutan yung kondisyon. Dahil kung kinalimutan mo yun. Malalagot ka!" sabi niya sabay balik sa upuan niya. Tss. Nakakabadtrip talaga yung mokong na yun! Akala mo kung sino umasta! Feeling masyado! Bad boy! Bakla! Tss.
Pumasok na agad sa room at padabog na umupo sa upuan ko.
"Oh Bell? Okay ka lang? Ampanget mo kung nakasimangot ka." sabi ni Jenny sakin.
"Wala na akong pakialam kung pumanget ako." sabi ko sa kanya.
"May malilintikan talaga sakin ngayon." pinaparinggan talaga ako ng mokong eh. Anak ng! Ewan ko ba! Kainis! Bago ako tumayo at tumabi sa mokong na yon ay nagpaalam muna ako ky Jenny na lilipat lang ako ng upuan at enexplain ko narin yung dahilan kung bakir lilipat ako ng upuan.
YOU ARE READING
My Soulhate, My Soulmate?!
Teen FictionSOULHATE mo tapos naging SOULMATE mo? Yung totoo? Pinagloloko niyo ba ako?