A/N: Hi readers! Nasa mood ako ngayon kaya mag uupdate agad ako ng Chapter 2 hahaha. Enjoy reading :) Lovelots!
****************
Kakauwi ko lang galing ng klase. Antok na ako pero napaisip ako bigla. Bukas na pala. Birthday na pala ni Jenny bukas. Ano kaya ang surprise ko sa kanya? Ano kayang magandang surpresa para sa kanya. Agad kong naisip yung kaklase kong tisoy. Kaya agad kong kinuha yung laptop ko at nag facebook sinearch ko yung pangalan ng kaklase kong tisoy sa fb at yun nakita ko na. Pag visit ko sa timeline niya ay friends na pala kami, noon pa. Hindi ko lang siguro namamalayan. Kung sino-sino lang kasi yung inaaccept ko dito sa facebook ko. Ichachat ko na yung tisoy dahil sakto online siya.
"Uy." chat ko sakanya. At nagreply siya agad
"Oh?" sabi niya.
"Hihingi sana ako sayo ng favor." sabi ko sakanya.
"Sure, but let's get to know each other first." Ay englishero din tong lalaking to ah tsaka para san pa? Kilala niya na naman siguro ako. Almost a month na rin kaming magkaklase.
"Kilala mo na ako noh! Loko!" sabi ko sa kanya.
"By the way. Magkaklase ba tayo?" tanong niya. Anak ng! Ansarap upakan ng lalaking to ah, analakas rin ng trip ng lalaking to ah.
"Lol. Ako yung babaeng nasa harapan mo nakaupo. Duuuh." sabi ko sakanya.
"Ahh ikaw pala yun." sabi niya.
"Ayy hindi." sarkastiko kong sagot.
"Oh ano nga pala yung favor mo?" tanong niya.
"Oo nga pala. Kasi ano, wala na kasi akong ibang maisip na ibang surpresa para sa bestfriend ko. Ito lang talaga at sana pumayag ka. Ano kasi, birthday na niya bukas gusto ko sanang unforgettable yung birthday niya. Gusto kong ikaw magbigay ng bulaklak na bibilhin ko para sakanya. Please." pagpipilit kong sabi ko sa kanya.
"So?" tipid niyang tanong. Loko rin tong tisoy na to ah! Nakakainis.Hay naku! Kahit badtrip na ako ay pinilit kong pakalmahin yung sarili ko.
"Crush ka kasi niya. Kaya gusto ko sanang ikaw magbigay para mas unforgettable yung birthday niya." sabi ko sa kanya.
"So what kung crush niya ako? Diba ikaw yung bestfriend niya? Bakit hindi ikaw magbigay? Sa tingin mo ba hindi yun magiging unforgettable dahil binigyan siya ng bulaklak ng bestfrind niya?" Hay nako! Ewan ko talaga sa lalaking to! Parang bakla kung umasta! Feeling masyado! Bad boy nga naman parang bakla! Pero hindi parin ako sumuko sa pagpilit sakanya. Kaya patuloy parin ako sa pangungulit don sa mokong na 'yon hanggang sa pumayag siya. Ang manhid din niya eh, akala mo kung sinong gwapo.
"Sige na please. Crush na crush ka kasi talaga ng bestfriend ko. Gusto ko lang siya maging happy sa birthday niya at wala na akong maisip na iba pang surprise sakanya kundi ito lang. Kaya please pumayag kana." Dapat pumayag siya. Hello? Nakailang please na ako sa lokong to oh. Tss.
"Sige." Talaga? Oh yessssss! Pumayag siya! Sa wakas!
"Sa isang kondisyon." Lintik na! Bakit kailangang may kondisyon pa? Naloko na.
"Bakit may kondisyon?" tanong ko sa mokong na 'yon.
"Ayaw mo yata eh, sige walang surprise na magaganap sa bestfriend mo." sabi niya.
"Oo na sige na, ano ba yung kondisyon mo?" tanong ko.
"For the whole period, umupo ka sa upuan na tabi ko and by the way wag kanang magtanong kung bakit kasi trip ko lang yan." sabi niya. Ay anlakas rin ng topak ng lalaking to eh! Abnormal lang! Hay naku! Abnormal na tisoy. Baklang bad boy.
"Oh ano na? Deal?" tanong niya. Pero sineen ko muna siya dahil nag-isip muna ako. Syempre dapat mag-isip muna. Oh well, wala na akong magagawa. Para rin naman 'to sa bestfriend ko eh.
"Wag mo akong e seen! Hindi ka maganda!" Abay gago tong lalaking to ah! Akala niya gwapo siya? Loko siya! Kahit iritang irita na ako sa kanya ay kailangan kong pakalmahin yung sarili ko.
"Okay fine. Deal." sagot ko.
"Nice." sabi niya. Nice mo mukha mo! Akala mo kung sinong gwapo! Feeling gwapo! Maputi ka lang hind ka gwapo uy! Hindi na ako nagreply sa sinabi niya dahil ini-off ko na yung laptop ko.
Nagpaalam ako kina mama at papa na aalis muna ako saglit dahil may bibilhin lang ako.
"Ma? Pa? Alis lang po muna ako may bibilhin lang ako. Saglit lang po ako." sabi ko kina mama at papa.
"Sige mag ingat ka." Bilin ni papa.
"Okay po." sagot ko kay papa.
"Teka bell! Umuulan oh, magpayong ka. Kunin mo don sa kwarto ko." sabi ni mama.
"Okay po ma." Pagkatapos kong kinuha yung payong sa kwarto ni mama ay nagpaalam ulit ako sakanila at paglabas ko sa pinto ay nakita ko si kuya na kakadating lang.
"Oh kuya? Buti nagdala ka ng payong dahil kung hindi basa kana. Nga pala aalis muna ako, may bibilhin lang ako saglit." sabi ko sakanya.
"San ka pupunta?" hindi ko na sinagot ang tanong ni kuya dahil umalis na ako, pasaway rin akong kapatid eh hahaha.
"Hoy mag ingat ka!" sigaw pa ni kuya. Kahit ansungit ni kuya sa akin ay alam ko namang mahal na mahal ako nun eh. Hahaha. At nang makaabot na ako sa mall ay dumiretso agad ako sa nagbebenta ng bulaklak at bumili narin ako ng chocolates para kay Jenny. Pagkatapos kong mabili ang mga yon ay umuwi na ako agad. Malapit lang rin naman dito samin ang mall eh. Walking distance lang. Pagkauwi ko sa bahay ay saktong naghanda na si mama ng haponan namin. Nagmano muna ako kina mama at papa tsaka nilagay ko yung chocolates sa ref namin at inkyat ko muna yung bulaklak na binili ko papunta sa kwarto at nilagay ko yung bulaklak sa vase na may tubig para hindi mamatay. Pagkatapos ay bumaba na agad ako at pumunta sa kusina at don nakit ko sila papa at kuya na nakaupo.
"Oh bella, umupo kana kakain na tayo." Sabi ni mama na may dala dalang sabaw. Tinulungan ko si mama sa sabaw at nagsimula na kaming magdasal tsaka kumain.
"Kamusta ang school?" tanong ni papa.
"Okay naman po pa." sagot ko.
"Mabuti." nakangiting sabi ni papa.
Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko si mama na magligpit ng hapag kainan at pumunta agad ako sa salas namin at nanood muna ako ng tv. Ilang minuto ang nakalipas ay nakaramdam na akong ng antok kaya pinatay ko na yung tv at agad na pumunta na ng kwarto ko. Humiga agad ako sa kama ko at kinuha ko yung phone ko sa mesa at nagtwitter muna saglit at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
My Soulhate, My Soulmate?!
Teen FictionSOULHATE mo tapos naging SOULMATE mo? Yung totoo? Pinagloloko niyo ba ako?