July 2, 2014
Maaga akong nagising kaya't mahaba-haba pa yung oras kong maghanda para sa klase at ihanda yung surprise ko kay Jenny. Buti at vacant namin ngayon sa English may oras akong ma e-surprise si Jenny. Bumangon agad ako sa kama ko at inayos ko muna tsaka naligo na. Agad akong pumunta sa kusina at dun nakita ko si mama at kuya kumakain.
"Ma san si papa?" Tanong ko kay mama.
"Pumunta na sa trabaho niya nak, halika na kumain kana." sabi ni mama. Kaya lumapit ako sa mesa at umupo.
Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na yung surpresa ko kay Jenny. Umuna na ako kay kuya umalis kaya nagpaalam na ako sakanila ni mama.
"Ma alis na po ako." Sabay beso ko kay mama.
"Sige anak. Mag-iingat ka ha. Paki sabi narin kay Jenny na happy birthday sa kanya." sabi ni mama.
"Okay po ma. Sige po alis na ako." sagot ko kay mama.
"Brother alis na ako." Sabi ko kay kuya at magbebeso na sana ako sakanya pero pinigilan niya ako.
"Wag ka nang magbeso, ambaho ng bibig mo." sabi ni kuya. Kaya inamoy ko yung bibig ko.
"Hindi naman ah!" sabi ko kay kuya.
"Mabaho nga! Sige na at baka malate kapa! Mag-ingat ka!" sabi ni kuya. Ang oa nito nahihiya lang to eh di kasi sanay na naglalambing ako sakanya kasi parang aso't pusa kami kung mag-away.
"Sige kuya! Bye po! Bye rin po uly ma!" Paalam ko kina kuya at mama.
Umalis na ako sa bahay at saktong may jeep kaya pumara ako. Agad akong sumakay. Nang makarating ako ng school namin ay agad akong pumunta sa room. Saktong pagdating ko ay wala pa si Jenny kaya may oras pa akong isabotahe yung mga kaklase ko para tulungan ako sa surprise ko. Nang matapos kong e sabotahe yung iba kong mga kaklase ay nilapitan ko si tisoy.
"Oh hawakan mo 'tong mga bulaklak." Binigay ko sa kanya yon at hinawakan niya naman.
"Anong gagawin ko dito?" tanong niya. Hay naku! Ewan ko talaga sa mokong na 'to!
"Alangan naman kainin mo." sarkastiko kong sagot sa tanong niya.
"Talaga? Edi wow." sabi niya. Ansarap talagang upakan ng lalakin 'to eh.
"Yan yung ibibigay mo kay Jenny kaya hawakan mo yan ng maigi." sabi ko sa kanya.
"Ba't ako pinapahawak mo? Wala kabang kamay?" Tanong niya. Aba pinapainit talaga ng mokong na 'to ang ulo ko eh. Hay naku! Okay Bella, relax. Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako nagsalita.
"Mr. Capili maliit lang ho na pabor ying hinihingi ko sainyo kaya sana gawin niyo kaya sana gawin niyo na at huwag ho kayong pabebe." Pakalma kong sabi sa kanya. Hindi maipinta yung reaction niya kaya umalis na ako at bumalik na sa upuan ko.
Saktong pag-upo ko ay dumating na si Jenny. Hindi muna ako bumati sa kanya para kunwari hindi ko natandaan birthday niya. Yung iba naming kaklase ay bumati na sa kanya pero parang hinihintay niya parin akong bumati sa kanya.
"Buti pa sila pero yung iba jan!" parining niya sakin. Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Kaya napanggap akong hindi ko siya napansin.
"Uy Jenny! Nanjan ka na pala." sabay ngiti ko sa kanya. Halata sa mukha niya na inis na inis siya kasi hindi ako bumati.
"Ay wala pa. Wala pa ako dito." sarkastiko niyang sagot. Halatang inis na inis na siya sakin.
"Saglit lang labas muna ako, magpapahangin lang." sabi niya.
"Samahan na kita." Paanyaya ko sa kanya pero tinanggihan niya ako.
"Wag na. Okay lang. Saglit lang naman ako." pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya agad.
YOU ARE READING
My Soulhate, My Soulmate?!
Teen FictionSOULHATE mo tapos naging SOULMATE mo? Yung totoo? Pinagloloko niyo ba ako?