Jake
"Isang hindi maipaliwanag na kaganapan ang nangyayari ngayon sa loob ng establisyamento ng isang Mall sa San Mateo, Rizal. Isang grupo ng mga kabataan ang bigla nalang diumanong inatake ang mga tao ng walang dahilan. Ayon sa ilang saksi walang awang sinaktan at pinagpapatay ng mga ito ang mga tao sa loob. Mahigit trenta katao ang namatay kabilang dito ang walong bata at isang buntis. At hindi baba sa dalawampu katao naman ang sugatan. Sa ngayon ay hawak na ng mga pulisya ang mga kabataang umatake sa mall at inaalam pa ang rason sa karumal dumal na pangyayaring ito. Pito diumano sa kanila ang namatay dahil sa engkwentro."
Agad kong pinatay yung TV matapos kong mapanuod yung balita. Napahilamos nalang ako bigla dahil hindi maproseso ng utak ko yung mga nangyari.
Ang daming tanong sa utak ko. Isa na rito yung "bakit niya nagawang pumatay." Isa kasi sa mga umatake sa Mall yung pinsan ko at isa rin siya sa mga namatay dahil sa engkwentro.
Sobrang bait na bata yung pinsan ko. Matalino at walang ginawa kundi mag-aral. Kaya naman hindi ko maintidihan kung bakit niya nagawa yun. Hindi ko parin matanggap na wala na siya ngayon.
Narinig kong bumukas yung pinto. Alam kong si Justin yun- kapatid ko. Marahan itong nagtungo sa akin na may malakas na paghikbi. Agad akong lumingon sa kanya at napatingin sa mukha niya.
Walang humpay na tumulo yung mga luha sa mga mata niya at ngayon ko lang ulit ito nakita. Kaya naman agad ko siyang niyakap.
"K-kuya si... si... si Je-Jeremiah..." humikbing sambit niya dahil alam kong sa aming dalawa siya ang mas nasasaktan ngayon dahil bestfriend ang turing niya kay Jeremiah yung pinsan naming kasama sa mga namatay matapos umatake sa mall. Mula pa kasi sa pagkabata ay close na yung dalawa. Close din naman kami pero hindi katulad nila na sobrang lapit at parang kapatid na turingan sa isa't-isa.
"Oo alam ko... "
"Kuya, bakit niya nagawa yun hindi ko maintindihan. Hindi naman siya ganon eh." tanong niya habang walang humpay sa pag-agos ang mga luha sa mga mata niya. "Kuyaaaaa... Panaginip lang 'to diba? Diba? Sabihin mo naman sakin..."
"Justin tahan na.. Tahan na... "
----
"Grabe talaga ang mga kabataan ngayon. Condolence po." - @iamjessjesshow
"Siguro nagdrugs yang mga yan kaya ganyan. Tignan mo walang awa nilang pinagpapatay yung mga tao sa loob. Tsss napaka-walang hiya ng mga yan! Walong bata ang nadamay at isang buntis kasama ang sanggol na sinapupunan pa lang! Dapat sa mga yan pinapatay eh. Pati yung mga magulang sisihin din sa nangyari! Mga pabaya!" - @ladykiller101
"Anong klaseng mga kabataan na ba ang meron sa panahon natin ngayon mga walang takot sa batas lalong lalo na Diyos. Nakikiramay ako sa mga nadamay sa nangyari. May awa ang Diyos siguradong paparusahan sila sa impyerno." - @hellokittyperry
"May nakain daw yan sila tapos may kung anong nalagay sa pagkain kaya bigla nalang nagkaganyan." -@Lindarunaway
"Hindi kaya nagkaroon sila ng virus. Yung kagaya sa mga palabas? O di kaya mga nabaliw na yan sila. Ang creepy." @ladychoice7
"Pagbibitayin nayang mga yan! Mga salot!" @juantamad22
"Check nyo dito oh. Naglabas ng statement yung isa sa pamilya nang kabataang umatake sa mall kamakailan. ito yung link - Dailysecretnews.ph" -@Noremorse101
YOU ARE READING
ESCAPE TO MONTALBAN
Mystery / ThrillerPatuloy lang ang mga sunod sunod na putok ng mga baril na umaalingawngaw. Kasabay nito ang mga sigaw at iyak ng mga taong humihingi ng tulong. Halos lahat ng tao ay nagtatakbuhan papalayo. Bata, Matanda, Buntis at kahit na mga alagang hayup ay naka...