JOHNREY
November 1, 2022
1:09 P.M"Mang berto, mauna na po ako sa bahay para kumain ah. May naalala din po kasi akong tatawagan na importante." pagpapaalam ko kay Mang Berto na nakamasid at nagbabantay sa paligid. Salitan kasi kami sa pagbabantay at pagche-check ng mga gamit ngayong undas.
Bago kasi makapasok ang mga tao sa loob ng sementeryo ay chinecheck muna namin ang mga dala nilang gamit, pagkain at inumin dahil bawal ang anumang alak, matutulis na bagay at mga bluetooth speaker na dahilan para makaistorbo sa iba.
Alas siete palang ng umaga ay dagsa na ang mga tao yun kaya sobra sobra din ang pagod lalo na may mga pasaway na ayaw sumunod sa regulation at policy ng sementeryo.
Matapos kong makipagpalitan kay mang berto ay dumiretso na ako sa pag-uwi dahil mula pa kanina ay gutom na gutom na ako. Hindi na namin nagawang makapag-almusal dahil sa mabilis ang pag-dagsa ng mga tao sa labas at nag-cause narin ito ng matinding traffic kaya wala kaming choice magtrabaho ng maaga.
Nung makarating ako sa bahay ay agad na bumungad sa akin si Iboy na nakahandusay sa sahig na animoy namimilit sa sakit habang yung babae naman ay nakaupo sa isang sulok habang umiiyak.
"Anong nangyari dito!!?" sigaw ko bago lumapit kay Iboy. "Boy! anong nangyayari sayo! boy! tulong!!!" nagsisimula nang lumabas ang mga bumula sa bibig niya kasunod nito ang walang humpay na pangingisay ng katawan.
"Hoy! Anong nangyari dito!? Anong nangyayari sa kanya!!?" Bulyaw ko sa babae pero hindi siya nasagot. Nakatingin lang siya akin habang patuloy sa pag-iyak.
Ilang sandali pa ay natigil sa pangingisay si iboy. Agad kong chineck yung paghinga niya pero wala akong maramdamang hangin sa ilong niya.
Nagsisigaw na ako sa takot at taranta dahil sa hindi ko narin maramdaman pati ang tibok sa pulso niya.
"Boy! Boy! Gising boy! Tulong!! May tao ba diyan!!? Tulungan nyo kami!! Boy gumising ka hoy!!" Sigaw ko.
Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako— Si aling tarsing. Nakatulala habang marahan itong lumalapit sa kinaroonan namin.
"IBOOOOOOOY ANAK! ANONG NANGYARI SA KANYA!!? BAKIT SIYA NAKAHIGA DIYAN!!? IBOY ANAK KO!!" Sigaw nito nung makita yung kalagayan ng anak niya.
Agad niyang hinawakan ang mukha nito. Chineck din niya ang pulso at ilong nito kung humihinga pa pero kahit siya wala ring maramdaman. Kaya mas lalo siyang naghestirical!
"JOHNREY ANONG NANGYARI SA ANAK KO!!HOY IKAW!!! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO!!!!" Nagsisigaw na si Aling tarsing at nag-iiyak habang dinuduro yung babae pero hindi parin ito sumasagot. Patuloy lamang ito sa pag-iyak habang nakatingin lang sa amin at pinagmamasdan ang nangyayari.
Ilang sandali pa ay bigla nalang muling nangisay ang katawan ni Iboy kasunod nito ang paglalagatukan ng mga buto nito na animoy nababali.
"IBOY ANAK KO ANO BANG NANGYAYARI SAYO..." sambit ni Aling tarsing habang hinahawakan ang mukha nito at pinipigilan ang katawan sa pangingisay.
Maya maya pa ay idinilat ni Iboy ang mga mata niya. Wala na yung itim. Puro purong puti lang ang makikita mo sa mga mata niya at mayroong mga itim na ugat na naglalabasan sa bawat parte ng katawan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/88387944-288-k814457.jpg)
YOU ARE READING
ESCAPE TO MONTALBAN
Mystery / ThrillerPatuloy lang ang mga sunod sunod na putok ng mga baril na umaalingawngaw. Kasabay nito ang mga sigaw at iyak ng mga taong humihingi ng tulong. Halos lahat ng tao ay nagtatakbuhan papalayo. Bata, Matanda, Buntis at kahit na mga alagang hayup ay naka...