Kabanata II

25 3 0
                                    

Jake
November 1, 2022
12:47 P.M

"Justin. aalis na muna ako punta ako sa bayan. Bibili lang ako ng regalo para sa birthday ni Ate Micah mo ngayon. Ano gusto mo ba sumama?"

"Hindi na kuya dito na lang ako. Magpapa-rank up rin ako sa Mobile Legends e."

"Nako. Manga-nganser ka naman. Haha. At sya nga pala kapag may naghanap sa akin sabihin mo pumunta akong bayan."

"Oo na kuya. Alis na. Ingat!"

"Wag ka magpa-feed. haha"

Pang-aasar ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.
Naglakad na ako patungo sa labasan. Medyo malayo layo din kasi ang terminal ng mga tricycle mula sa amin.

"Bayan?" tanong ng tricycle driver na nag-iikot ng mga pasahero papuntang bayan. Sakto din ang dating niya dahil napakainit ngayon at hindi ko na kailangan pa maglakad ng malayo papuntang terminal.

"Opo." sagot ko at dali-daling sumakay sa loob.

"Oh brail! Saan punta natin bihis na bihis ah? May date ka no?" tanong ko matapos makita si brail kaibigan ko na nakaupo sa loob.

"Wala siraulo. May ihahatid lang ako. Ikaw ba saan punta?" tanong niya habang umuurong ng upo kaya naman agad din naman nakaupo sa tabi niya.

"Bibili lang ako ng regalo at cake. Birthday kasi ni Micah ngayon kaya punta akong bayan." sagot ko.

"Ay oo nga pala. Pakisabi happy birthday."

"Sige sige. Sabihin ko nalang."

(Beep)
(Beep)
(Beeeeeeep)
(Beeeeeeeeep)

Malalakas na busina ang maririnig mo sa daan mula sa mga sasakyan dahil sa kahabaan ng traffic. Kasabay nito ang mga sigaw mga driver at reklamo ng mga pasahero.

Paano ba naman kasi Metro Manila Hills palang ay dama mo na ang sobrang traffic. Bukod sa usad pagong yung galaw ng mga sasakyan ay dumagdag pa yung tirik na tirik na init ng araw at sira sirang daan sa montalban na taon taon nalang inaayos.

Dahil din sa matinding traffic paniguradong mahihirapan ang mga tricycle na makausad at makipagsiksikan sa malalaking truck, jeep at E-bus pagtungtong sa Villa Ana Maria Village. 

Mahigit 30 minutes na ang nakalipas ay hindi parin kami nakakalagpas sa Forest Lawn Memorial Park. inaasahan ko na mas matatagalan pa to.

Bakit nga ba traffic? Undas kasi ngayon kaya dagsa ang mga tao at mga sasakyan. Sunod sunod din kasi ang paglabas masok ng mga tao at sasakyan sa Forest Lawn Memorial Park.

Lalo na ngayon ang sila priority ng mga traffic enforcers. Kaya sobrang tagal ng byahe at traffic ngayon sa lugar sa araw 'to. Tyumempo rin kasing sinarado yung short cut na daan sa Kasiglahan Village papuntang bayan dahil sa inaayos yung daan doon.

Dahil sa tagal may mga ilang pasahero na ang nagdesisyon na lumabas ng sasakyan at maglakad nalang kaysa naman mag-antay sa napakahabang traffic. May iba naman na  sumisigaw na at nagrereklamo dahil sa init.

Agad akong napatingin sa relo ko at saktong 1:17pm na't katirikan ng araw kaya naman sobra sobra din ang init ng ulo ng mga tao.

ESCAPE TO MONTALBANWhere stories live. Discover now