Kabanata IV

25 3 1
                                        

Hi, Guys bago kayo magpatuloy sa pagbabasa. Lagi nyong icheck yung Time dahil magkaiba yung Time gap ng mga character. Para din mas maintindihan nyo. Salamat. ❤️🙏

JANINE
November 1
4:47 A.M

"Hoy sino ka!" bulyaw sa akin ng isang lalaki habang nakatututok yung malaking flashlight neto sa mukha ko. Kaya naman agad kong iniharang yung kamay ko sa mukha dahil sa hindi na kinaya ng mga mata ko yung liwanag na nagmumula sa flashlight na hawak niya.

"Sino ka!?" Ulit na tanong neto.

Pilit kong inaninag yung mukha niya pero hindi ko talaga siya makita tanging suot lang neto. Sa tingin ko nagtatrabaho rito yung lalaki. May hawak kasi siyang walis tingting at dustpan sa kaliwang kamay at sa kanang kamay naman ay yung flashlight at mga kagamitang pang-pinta na sa tingin ko para sa nitso ng mga yumao dito sa sementeryo.

"P-po? ako po? Bakit po?" sambit ko.

"Huwag mong ibalik saken ang tanong nang isa pang tanong ineng. Uilitin ko ang tanong ko. Sino ka at paano ka napasok dito? masyado pang maaga para dumalaw. Alas kwatro y medya pa lamang ng madaling araw ah. Hindi pa nagpapapasok ang mga bantay ng gantong sobra kaaga ah. Huwag mo sabihing magnanakaw ka!? Ikaw siguro yung kumukuha ng mga kandila sa mga puntod!?" Bulyaw neto na may paghihinala. Kahit sino naman talaga ay maghihinala dahil walang ganito kaaga ang dadalaw sa sementeryo at ang dilim pa. Sobrang nakakatakot yung palagid at nakapalamig ng simoy ng hangin.

Hindi ko rin alam kung nang-aasar na talaga sa akin yung tadhana dahil sa dami dami ba naman na pwede mapuntahan dito pa sa sementeryo.

"Nako. Hindi po. Nagkakamali po kayo. Gusto ko lang po kasi dumalaw sa mga magulang ko. Alam ko pong alas siete pa yung bukas pero nakita ko pong bukas yung gate kaya pumasok na po sa loob kahit na alam kong bawal. Pasensya na po gusto ko lang naman po dumalaw sa kanila." palusot ko kahit na alam kong sablay pero wala na akong maisip na dahilan.

"Nako ineng. Mapapagalitan kami kapag nalaman ng management na nakapasok ka. Atsaka ano ba iyang suot mo. Teka dugo ba iyan?"

"Lalabas na po ako. Pasensya na po talaga." Sambit ko bago tumalikod at tumakbo papalayo.

"Hoy ineng! Saan ka pupunta!?" Sigaw nung matanda.

Kahit na madilim at wala akong makita sa daan ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kailangan kong makatakas dito baka dalhin pa nila ako sa police o baranggay mas lalo akong mahihirapang makatakas kapag nalaman nila kung sino ako. Pero hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay bigla nalang akong nabunggo sa matigas na bagay dahilan para matumba ako. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Unti unti ko ding nararamdaman ang sobrang pagsakit ng ulo ko.

Tatayo na sana ako para magpatuloy nung biglang may magsalita at hawakan ang mga braso ko.

"Saan ka pupunta?" sambit nito bago ako tuluyang mawalan ng malay.

-----

JOHNREY

Agad kong iniharang yung sarili ko matapos ko maaninag yung isang babae na tumatakbo papalayo kay manong berto. Maya maya pa ay bumunggo na siya sa katawan ko kaya naman agad 'tong natumba sa lupa.

ESCAPE TO MONTALBANWhere stories live. Discover now