"Mali"

2K 17 7
                                    

Sabi ni ate pag tagalog Ang tula mas may Hugot Kaya sige.

Mahal, gusto Kong mag simula sa pagsabi ng salitang paalam.
Paalam sa lahat ng ating pinagsamahan.
Sa mga pag bati, Pag ngiti, mga konting sandali nung tayo pa'y mga batang walang alam, mga batang walang paki-alam.
Paalam sa mga biruang Hindi nakaka tawa, sa mga kamustahan kahit ako Lang naman Ang nangangamusta, Paalam sa mga pag kaway, pag hintay, mga away na walang saysay at Kung Ano Ano pang mga bagay.
Bagay, bagay Hindi tayo bagay Kaya patawad, mahal patawad.
Sa mga pangalang tayo Lang Ang nag kakaintindihan, mga salitang pilit kong binitiwan, mga sandaling patago kang tinitingnan, mga alaalang iniwan mo. Nang iwanan mo ko.
Patawad kung nakaka inis na, kung paulit ulit at hindi na kayang ulit ulitin pa. Patawad Kung Hindi ako, at hindi ko Kaya yung maging gusto mo, Kung nanghihingi ako ng mga bagay na Hindi mo kayang

ibigay. Kung akala ko Ito ka, pero Hindi naman pala.
Kung nasaktan kita, wag kang mag alala, saktan mo rin ako.

Alam ko.  Alam ko na merong panahaon nag karon ng pag kakataon na ikaw yung gusto ko, at ako yung gusto mo.  Pero Hindi na ngayon, dahil ayaw mo na at kailangan ayaw ko na rin, dahil Hindi na marinig kahit pinipilit pang dinggin at Hindi na maintindihan kahit gustong intindihin Pero ayaw mo na, Kaya dapat ayaw ko na rin, ayaw mo na kasi meron ng iba. Pasensya na Kung Ang gulo, Pasensya na kung Ang tagal nito.
Kaya sige Patawad at Paalam, Paalam nalang.
Paalam sa pag layo at patawad sa pag lapit.
Paalam sa saya at Patawad sa sakit.
Mahal ayokong matapos sa paghingi ng tawad Pero patawarin mo ako para mapalaya na kita,
Palayain mo ako kasi Hindi ko na Kaya,  Paalam na kasi ayaw ko na,  Pero mahal Hindi. Hindi pala mahal kasi HINDI mo ko mahal at dapat ganon din ako Kaya sige.
Sayo! Sayo! Sayo patawad Patawad patawarin mo ako mah...SAYO Paalam Paalam hanggang sa muli.

Ito na yata Ang Pinaka malinis na tula na nasulat ko sa papel na to.

Kaya sige ibahin natin, sige Parumihin natin (bura) at mag papaalam pa Kung umalis ka nalang bigla (bura) hindi ako yung babaeng nang hihingi ng tawad (bura) Hindi ako mang hihingi ng tawad sayo (bura) Hindi kita mahal Hindi kita minahal (bura) wala na kong pake Kung ayaw mo na o gusto pa ba. Wala na Kong pake Kung nasasaktan kana, Hindi ako nag aalala (bura) Hindi kita mahal,  Hindi kita minahal, ginusto Lang kita. 
Kaya sige Isulat nating muli.
Mahal nung hinanap kita dumating sya. Kala ko yun na yun.
Yun Ang Pinaka malaking pag kakamali na Aking nagawa Ang hanapin ka sinta. Sasabihin ko Sayo to hind ko sya Hindi minahal,  dahil Hindi nya ko mahal kundi dahil hinanap ko sya kahit Alam Kong darating ka kasi hiningi na kita. Hanggang ngayon, Hanggang ngayon hinihingi pa din kita.
Kaya pag dumating ka hanapin mo ako.  Bilang Ang tamang Tao sa tamang oras para Alam Kong yun na yun.
Hanpin mo ako at mahalin sa paraang Alam nating dalawa.
Ang pag mamahal na Hindi na muling mag kakamali pa.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon